Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates.
Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa kasalukuyan, sa palagay ni Del Rosario, mapapasabak nang husto ang magdedepensa ng World Boxing Association (WBA) super welterweight champion na Pinoy ring icon sa two-division Ultimate Fighting Championship UFC king at Irish mixed martial artist-boxer.
“Senator always delivers an exciting fight every time he steps in the ring. McGregor is a UFC champion and also a good striker so I think it will be an exciting fight,” wika nitong Lunes ni Del Rosario, dinugtong na na masisiyahan sigurado ang mga Pinoy sa bakbakan.
Ayon naman sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) president na si Aguilar, at siyang founder ng Universal Reality Combat Championships (URCC), na radar ng 42-anyos na si Pacquiao ,na ang laban ay ‘di lang para sa kanya kundi sa mga Pinoy sa lahat ng panig ng daigdig. (REC)
-
Filipino actors, bida sa Romanian film na ‘To The North’: Movie ni JOHN LLOYD, magku-compete din sa ‘2022 Venice Film Festival’
TATLONG Filipino actors ang mga bida sa Romanian film na To The North at magku-compete ito sa Orizzonti section ng 2022 Venice Film Festival. Ang Love You Stranger actor na si Soliman Cruz ang bida sa To The North na tungkol sa isang religious Filipino sailor na si Joel na sakay ng […]
-
Kahit natuldukan na sa post ang pagsuporta: KC, inuudyukan na umuwi para makatulong sa campaign ng LENI-KIKO tandem
KUNG iniisip man siguro ng karamihan na tila walang pakialam o suporta si KC Concepcion sa kampanya ng kanyang “dad” o step-father na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, sa isang Instagram post lang niya ay tila natuldukan na ito agad. Marami ang natuwa base sa nababasa naming comments sa pagpu-post ni […]
-
Ads June 25, 2022