Pacquiao vs McGregor: Matinding bugbugan
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYA nina veteran martial arts practioners Manuel Monsour del Rosario III at Alvin Aguilar na magiging hitik sa aksiyon ang bangasan nina Sen. Emmanuel Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor Anthony McGregor sa taong ito sa Dubai, United Arab Emirates.
Nag-1988 Seoul Olympian at Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary general sa kasalukuyan, sa palagay ni Del Rosario, mapapasabak nang husto ang magdedepensa ng World Boxing Association (WBA) super welterweight champion na Pinoy ring icon sa two-division Ultimate Fighting Championship UFC king at Irish mixed martial artist-boxer.
“Senator always delivers an exciting fight every time he steps in the ring. McGregor is a UFC champion and also a good striker so I think it will be an exciting fight,” wika nitong Lunes ni Del Rosario, dinugtong na na masisiyahan sigurado ang mga Pinoy sa bakbakan.
Ayon naman sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) president na si Aguilar, at siyang founder ng Universal Reality Combat Championships (URCC), na radar ng 42-anyos na si Pacquiao ,na ang laban ay ‘di lang para sa kanya kundi sa mga Pinoy sa lahat ng panig ng daigdig. (REC)
-
Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K
TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito lang Abril 6-8. Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]
-
Dagdag-sahod na hiling ng TUCP hindi pinagbigyan ng DOLE-RTWPB
HINDI pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Paliwanag ng sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NCR, hindi saklaw ng hurisdiksyon nito ang naturang petisyon ng TUCP. […]
-
Bodega na nag-display ng Chinese Flag; ipinasara ng Valenzuela LGU
IPINAG-UTOS ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa pamamagitan ng pagrekomenda ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang agarang pagpapasara at pag-iimbestiga sa bodega sa Barangay Bignay na nag-display ng banyagang bandila dahil sa ilang mga paglabag ng kumpanya. Sa kanilang inspeksyon at pagsisiyasat, natuklasan ng BPLO na ang STR Power […]