Pag-amin ni Duterte sa pananagutan sa mga pagpatay sa war on drugs, maaaring mag-trigger ng local, int’l prosecution – Abante
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBABALA si Manila Representative Bienvenido Abante na ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs ay maaaring maging daan para sa lokal at internasyonal na pag-uusig.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa ginanap na pagdinig sa Senado at sinabing inaako nito ang buong responsibilidad para sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kanyang agresibong kampanya laban sa droga at iginiit na siya lamang ang dapat managot kaysa sa mga opisyal na sumunod sa kanyang mga utos.
Si Duterte ay kilala sa kanyang matigas na paninindigan sa krimen at madalas na kontrobersyal na retorika, ay nagpahayag na ang kanyang patakaran ay hindi dapat kwestiyunin at hindi ito nag-aalok ng paumanhin.
Sinabi ni Abante, bahagi ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga di-umano’y extrajudicial killings na nauugnay sa drug war ni Duterte, na ang pahayag ng dating pangulo ay maaaring humantong sa pinaigting na pagsisiyasat at potensyal na legal na epekto.
Giit pa ni Abante na na alam ng dating Pangulo ang implikasyon ng kaniyang pag-amin.
Sa isinagawang pagdinig ng Senado, gumawa ng pasabog ang dating pangulo at sinabing bumuo ng seven-man hit squad na kilalang Davao Death Squad (DDS) sa pamumuno ng dating PNP chiefs, kabilang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Bagama’t hindi naman direktang inamin ni Duterte na kaniyang ipinag-utos ang summary killing.
Ipinunto ni Abante na hindi siya kontra sa war on drugs ng dating administrasyon subalit hindi siya pabor sa patayan. (Daris Jose)
-
MMDA, nag-hire ng 1,000 traffic enforcers
KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA. Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa Lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto. “Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng […]
-
PCSO nagbigay ng P2.1-M para sa programa ng PSC
Nakatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2.145,110.47 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Tinanggap ni PSC cashier Marini Negado ang tseke mula kay PCSO private secretary 2 Marie Louise Serojales ang unang remittance ngayong taon. Sinabi ni Serojales na kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin […]
-
Nagbibigay ng pag-asa sa Philippine cinema: KATHRYN, labis ang pasasalamat na naka-100M na ang movie nila ni DOLLY
PAGKARAAN ng isang linggo, kumita na raw ng higit sa P100 million ang ‘A Very Good Girl’, ayon sa press release na pinalabas ng Star Cinema noong October 10, 2023. Kaya naman nag-post na ng pasasalamat si Kathryn Bernardo sa tagumpay ng dark comedy film nila ni Dolly de Leon, na kung saan first […]