• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-angkat ng asukal sa ibang bansa tuloy pa rin, maaring sa Oktubre na – PBBM

BINIGYANG  linaw ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mag-aangkat pa rin ang bansa ng mga asukal mula sa ibang bansa.

 

 

Sinabi nito bilang siya rin ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) na ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa dating 300,000 metric tons na panukala.

 

 

Maaring mayroon lamang daw ng hanggang 150,000 metric tons ang aangkatin ng Pilipinas.

 

 

Posible kasi sa kalagitnaan ng Oktubre ay mauubos na ang suplay ng asukal sa bansa.

 

 

Dahil sa bilang ay naniniwala ito na nabawasan na ang importasyon ng asukal sa bansa.

 

 

Ipinaliwanag pa nito na kaya tinanggihan niya ang proposals ng 300,000 metric tons na importation ay dahil may sapat pang suplay ng asukal ang bansa.

 

 

Magugunitang nagbitiw sa puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na pirmahan ang kautusan na pag-angkat ng asukal ng walang pahintulot sa pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • EDITORIAL P100 per day na wage hike sa Metro Manila inihain ng grupo ng mga manggagawa

    NAGHAIN ng petisyon ang mga labor groups para sa P100 arawang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).     Ang workers’ organizations ay pinangungunahan ng Kapatiran ng mga Unyon at Samahang Manggagawa.     Sinabi ni Kapatiran chairman Rey Almendras na inihain nila ang […]

  • 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 –Galvez

    TINATAYANG umabot na sa 80.85% ng COVID-19 vaccines ang nai-rollout ng pamahalaan sa first quarter ng 2021 sa gitna ng pagtaas ng coronavirus infections sa bansa.   Base sa naging presentasyon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.’ sa Cabinet meeting, araw ng Lunes ay may 1,233,500 mula sa bilang na 1,525,600 kabuuang vaccine shots ang […]

  • 6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw.     Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]