• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG Fund, naglaan ng P5B na calamity loans para tulungan ang Odette-hit members

NAGLAAN ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng P5 bilyong piso na calamity loans para tulungan ang mga miyembro nito na apektado ng bagyong Odette.

 

“In times like these, Pag-IBIG Fund is always ready to help members through our Calamity Loan Program. That is why the Pag-IBIG Board has allocated a calamity loan fund of P5 billion as aid for our members in Visayas and Mindanao to help them recover from the devastation caused by typhoon Odette,” ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund board of trustees.

 

Sa ilalim ng Pag-IBIG calamity loan program, maaaring makahiram ang mga eligible members ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na kinabibilangan ng kanilang monthly contributions, counterpart employer’s contributions, at accumulated dividends earned.

 

At bilang pagkonsidera sa kalagayan ng mga miyembro, ang calamity loan ay inaalok sa rate na 5.95% per annum, itinuturing na “lowest rate” sa merkado ayon sa Pag-IBIG Fund.

 

Ang loan ay “payable over a period of up to three years, with a grace period of two months so that initial payment is due only on the third month after the loan is released.”

 

Ang mga qualified borrowers ay maaaring mag-apply ng calamity loan sa loob ng 90 araw mula sa petsang indineklara ang isang lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

 

Para naman kay Pag-IBIG Fund CEO Acmad Rizaldy Moti, sinabi nito na “as of November” ngayong taon, mahigit sa P1.15 bilyon na calamity loans ang ipinalabas ng ahensiya para tulungan ang 76,521 miyembro sa calamity-hit areas.

 

“The program has been made more affordable as borrowers now have the option to choose a longer three-year term to reduce monthly payments by up to 31%, aniya pa rin.

 

Nangangahulugan aniya na para sa calamity loan na nagkakahalaga ng P20,000, ang monthly payments na mulaP897.23 ay magiging P615.72 na.

 

“Members in affected areas who have access to internet service and have a Pag-IBIG Loyalty Card Plus, Land Bank of the Philippines or United Coconut Planters’ Bank (UCPB) cash card, may file their Calamity Loan applications online via Virtual Pag-IBIG,” ayon kay Moti.

 

“This would allow them to file and receive their loans safer and faster, so that they can continue to tend to the needs of their families as they recover from the effects of the typhoon. And, even while our own offices and personnel in typhoon-hit areas have also been affected, our branches are open and ready to receive loan applications. Your Lingkod Pag-IBIG is committed to deliver service that matters, always and in all ways,” dagdag na pahayag ni Moti. (Daris Jose)

Other News
  • Alert Level 1, itinaas sa Mayon volcano

    ITINAAS ngayon ang alert level sa Mayon volcano dahil daw sa hindi nito pagiging normal.     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa dating Alert Level 0 o normal ay itinaas ito sa Alert Level 1 o low-level unrest.     “The public is reminded that entry into the 6-km […]

  • PBBM, nanguna sa PFP General Assembly, National Convention

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtitipon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanilang General Assembly and National Convention sa Diamond Hotel Manila, araw ng Lunes, bahagi ito ng pag-buwelo at paghahanda ng political party para sa mid-term election sa susunod na taon.   “I’m very glad that we can see that […]

  • Tinamaan ng Omicron, may proteksiyon na vs iba pang COVID-19 variant

    May benepisyong maidudulot ang Omicron COVID-19 variant sa mga tinamaan nito at nakaligtas dahil magsisilbi itong ‘natural vaccine’, ayon sa isang molecular biologist.     Sinabi ni Father Nicanor Austriaco, isang Filipino-American Catholic priest na isa ring molecular biologist sa GoNegosyo Town Hall meeting nitong Miyerkules, ang mga nakarekober sa impeksyon sa Omicron ay magkakaroon […]