• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Election gawing hybrid electoral system

IMINUNGKAHI ng isang abogado na gumamit ng hybrid electoral system para sa 2022 national election upang matuldukan na ang nangyayaring dayaan sa halalan.

 

Sa virtual media forum ng National Press Club, sinabi ni Atty. Glen Chong na ang “hybrid electoral system” ay hindi kagaya ng sa Smartmatic na automated.

 

Sa hybrid aniya ay mano- mano pa rin dahil walang makina sa loob ng precint.

 

Ito ay manual voting, manual counting pero ang transmission ng mga balota ay automated.

 

Paliwanag ni Chong, tao pa rin ang magbibilang ng mano-mano ngunit kapag ita-transmit na ang bilang ng mga boto at balota ay automated.

 

Binigyan diin ni Chong na hindi na maaring makapandaya o mamanipula dahil nabilang na ng mano-mano ang balota o boto bago pa man ito ipadala o itransmit.

 

Hindi na rin aniya maaring gamitin ang mga makina ng Smartmatic sa 2022 dahil baka aniya babagsak lahat.

 

Tatlong Board Election Inspectors o BEI aniya ang magbabantay sa mga presinto kabilang ang Chairperson, poll clerk at member.

 

Ang mungkahing hybrid election ni Chong at kahalintulad din aniya nang panukala ni Senator Vicente Sotto na inihain sa Kongreso sa ilalim pa ni House Speaker Rep. Allan Cayetano ngunit hindi aniya ito inaksyunan o na-hearing.

 

Si Senator Imee Marcos lamang aniya ang nagsimulang nag-hearing ng panukala ngunit kapag wala aniyang counterpart measures mula sa Kongreso ay wala rin umanong mangyayari sa hybrid election system bill.

 

Ayon pa kay Chong dapat na aniyang gawin ang hybrid election para sa isang malinis, makatotohanan at credible na halalan.

 

Umaasa rin si Chong na i-certify ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas dahil kaya pa naman aniya itong ihabol dahil dati na itong ginagawa sa mga naunang mga halalan sa bansa at wala nang parallel shift na kinakailangan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Perez pinasalamatan Terrafirma

    NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer.     Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall,  2019 Rookie of the Year […]

  • NBA Champion Jamal Murray, handa nang sumabak sa 2024-2025 NBA season

    HANDA nang sumabak sa bagong season si 1-time NBA champion Jamal Murray.     Kamakailan ay pumirma si Murray ng apat na taong contract extension na nagkakahalaga ng $207,845,568.     Sa media day ng Nuggets ilang linggo bago ang pagsisimula ng bagong season, sinabi ng Denver guard na naka-kondisyon na ang kaniyang katawan at […]

  • Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa  maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)     Nauna rito, nagpatawag si […]