• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-IBIG, nakapagtala ng record-high P34.73 billion net income noong 2021

NAKAPAGTALA ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng kanilang “highest-ever net income” noong nakaraang.

 

 

Nahigitan na nito ang pre-pandemic bottom line figures.

 

 

“Our strong performance last year led us to reach a net income of P34.73 billion. This is our highest net income ever, surpassing by 9.5% our P31.71 billion net income in 2020 and topping the previous record of P34.37 billion netted in 2019,” ayon kay Secretary Eduardo del Rosario, pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees sa isang kalatas.

 

 

“I’d also like to note that this is the fifth time that our net income breached the P30-billion mark. Our members will directly benefit because we shall again go beyond what is required of us by declaring over 86% of our net income as dividends for their savings,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ilalim ng Pag-IBIG Fund charter, required ang ahensiya na ideklara ang 70% ng kanilang annual net income bilang dividends, “which shall be credited proportionately to its members’ savings.”

 

 

Gayunman sinabi ni del Rosario na inirekumenda ng Pag-IBIG Fund’s management na maglaan ng 86.56% ng kanilang net income bilang dividends para ma- maximize ang benepisyo ng kanilang mga miyembro sa panahon ng pangalawang taon ng pandemya.

 

 

“This is now up for approval of the Board,” ayon pa rin kay del Rosario.

 

 

Para naman kay Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti, ang dividend rates sa member’s savings – kapuwa sa mandatory at voluntary – ay mananatiling mas mataas sa ibang instruments na available sa merkado.

 

 

“We know that many of our members have been asking about the dividend rates. Now we can finally share the news. For 2021, dividend rates will remain above 5%,” ayon kay Moti.

 

 

“Returns for the Pag-IBIG Regular Savings is recommended to be at 5.16% per annum, and the Modified Pag-IBIG 2 Savings to be at 5.66% per annum. Considering the challenges caused by the pandemic, Pag-IBIG’s dividend rates are still much higher than other savings accounts and financial products in the market today,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Mayor Tiangco sa mga barangay executive: exceed expectations

    PINAALALAHANAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executive na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.     Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, pinangahasan ni Tiangco ang […]

  • “POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

    BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.   […]

  • DATING OPISYAL NG BIR SINAMPAHAN NG KASO NG NBI

    NAGHAIN ng apat na kaso ang  National Bureau of Investigation (NBI) laban sa opisyal ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) .     Binanggit ni NBI Regional Director Moises Tamayo ang respondent sa kaso bilang  Revenue Officer IV na si Flora Albao ng BIR’s Revnue District Office-93A (RDO-93A).     Sinabi ni Tamayo na ang […]