• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-shift sa Alert Level 1, makadaragdag ng ₱9.4B sa ekonomiya kada linggo kabilang na ang ₱3B sa sahod— NEDA

ANG pagpapagaan sa Kalakhang Maynila at 38 iba pang lugar sa Alert Level 1 ay inaasahan na makadaragdag ng ₱9.4 bilyong piso sa buong ekonomiya kada linggo.

 

 

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Chua na sa nasabing halaga, ₱3 bilyong piso ay karagdagan para sa pasahod.

 

 

“The areas downgraded to Alert Level 1 account for 62% of the Philippine economy,” ayon kay Chua sabay sabing ang ginawang pag- shift ng alert level status ay mapakikinabangan ng 20.3 milyong manggagawa o 48% ng labor force sa bansa.

 

 

Inaasahan naman na ang national unemployment tally ay bababa ng 170,000 sa susunod na quarter dahil sa pinagaan na restriksyon.

 

 

“Meanwhile, if the entire country is placed under Alert Level 1, ₱16.5 billion would be added to the economy every week, Chua said. Workers’ salaries are expected to increase by ₱5.2 billion too,” dagdag na pahayag ni Chua.

 

 

Ang pag-shift sa pinakamababang level ng COVID-19 alert system ay nakikitang magiging pangunahing kapaki-pakinabang sa tourism industry, matinding tinamaan ng COVID-19 health crisis dahilan upang isara ang border at nagpatupad ng mahigpit na paggalaw.

 

 

“Sa 2020, ₱1.5 trillion ang nawala sa tourism sector pero at least one half of that — ₱750 billion — ay pwede nating mabawi given that we are in Alert Level 1,” ayon kay Chua.

 

 

Samantala, inaasahan naman ng economic team ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay babalik na sa pre-pandemic level,.

 

 

“Especially since the end-2021 tally already comprises 99.4% of end-2019 GDP,” ang pahayag ni Chua. (Daris Jose)

Other News
  • NO. 1 MOVIE IN KOREA “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, IN PH CINEMAS SEPTEMBER 20

    WELCOME to Hwang Gung Apartments.     Concrete Utopia, a thrilling disaster film starring an ensemble of A-list Korean actors including Lee Byung-hun, Park Seo-jun, Park Bo-young, Park Ji-hu, Kim Do-yoon and Kim Sun-young, will be released in the Philippines by Columbia Pictures.     The film, which opened #1 in Korea, will open in […]

  • Paglilinaw ni PBBM: Pakikipagpulong kay Blinken, hindi sinadya para manalo sa labanan sa West Philippine Sea

    NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang nakatakdang pakikipagpulong kay United States Secretary of State Antony Blinken at panatilihin ang kapayapaan sa West Philippine Sea (WPS) at hindi ang magwagi sa labanan sa rehiyon. Sinabi ito ng Pangulo bago pa ang nakatakdang pagbisita ni Blinken sa Maynila sa darating na Martes, Marso […]

  • NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA

    MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18.   Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds.   Ang mga […]