• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-unfollow ni PAOLO kay LJ, effective dahil nag-number one sa Netflix ang movie nila ni YEN

GIMIK man o totoong may “something” o may pinagdaraanan ngayon ang mag-partner na sina Paolo Contis at LJ Reyes dahil sa pagkaka-unfollow ni Paolo sa Instagram ni LJ at pagdi-delete rin ng mga pictures nila, ang sigurado, epektibo ang nangyari.

 

 

Effective dahil ang movie ni Paolo ngayon sa Netflix na A Far Away Land katambal si Yen Santos ay number 1 sa Netflix.

 

 

At walang duda na masaya si Paolo na consistent na nagta-top ang mga movies niya sa Netflix kaya naman tina-tag siya o nile-label ng ana “Netflix King.”

 

 

Sunod-sunod nga ang mga Instagram stories ni Paolo kunsaan, nagpapasalamat ito.  Sey niya, “Thank you for making us Number 1!”

 

 

Nag-Top 1 din sila sa UAE at Qatar at nasa Top 10 ng Kuwait.

 

 

Kahit na siyang leading lady sa movie, mukhang hindi napigilan ni Yen at nag-IG stories din at  nag-congratulate kay Paolo. Nireplayan naman ito ni Pao na, “Congrats to us!”

 

 

Sa isang banda, after mag-unfollow at delete, dedma lang si Paolo sa tanong ng netizens kung hiwalay na ba sila ni LJ.

 

 

***

 

 

MAY fan o followers or ang sigurado, tila nakasubaybay sa mga ganap ng Kapuso actor na si Mark Herras na netizen.

 

 

Kung hindi kami nagkakamali, baka same pa rin ito noong ang girlfriend pa ni Mark ay si Ynna Asistio.

 

 

Kasunod nga ng naging isyu kay Mark at sa kanyang dating manager na si ‘Nay Lolit Solis at usaping pera, tina-tag ng netizen na ito ang ilang publication, press at ilang executives sa GMA-7 na kesyo nandiyang nag-cash advance din daw si Mark noon para mabayaran ang utang ng nanay ni Ynna na si Nadia Montenegro. Nandiyang para mabigyan din daw ng gadgets si Ynna at may year pa siya kung kailan binigay ni Mark.

 

 

At may kuwento rin siya sa bagong partner ni Mark at ina ng ikalawang anak niya na si Nicole Donesa. Kesyo ‘yung lyka gems daw ni Mark ang ginamit pambili mamahaling keyboard at nag-cash advance rin daw si Mark sa GMA.

 

 

Sey pa niya, “Kaya super close si Ynna at Nicole, parehong makapal ang mukha!”  Hala! Ang harhs ha!

 

 

Anyway, may Instagram handler na @georgina.ensl ang nagpo-post ng ganitong chika at mga paratang.

 

 

Siguro, gusto niyang palabasin na ang nauubos ang pera ni Mark dahil sa pagbibigay sa mga nagiging karelasyon. Eh, kung totoo man, baka gano’n kasi magmahal si Mark, ‘no, galante.

 

 

At kung totoo rin ang mga chika niyang ito, ang bongga naman niya at knows niya talaga kung saan ginagastos ni Mark ang pera at binibigyan niya, pati diumano’y pagka-cash advance? Huh!

 

 

***

 

 

 

DAHIL nagti-trending at pinag-uusapan talaga ang online seller na si Madam Inutz na si Daisy Lopez na nakita naming kahit mga artista ay may nanonood at nagko-comment pa nga dahil tawang-tawa raw sila, hindi na kami nagulat na may mag-uunahan nga na magpapirma rito.

 

 

At ang nakakuha ng tiwala niya ay si Wilbert Tolentino, former Mr. Gay World titlist, businessman, social media infuencer at  philanthropist noong Huwebes ng gabi. Dalawang taon siyang ima-manage.

 

 

Ang kontrata ay sinulat sa Filipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito Sa contract signing ay kasama nila si Atty. Bertini Causing.

 

 

Ang bongga rito, walang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz si Wilbert, pero magi-endorse siya ng kanyang mga negosyo.

 

 

Ang dating ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay siya rin gagawin niya kay Madam Inutz.

 

 

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single si Madam Inutz na ang title, “Inutil” composed by Ryan Soto. Bubuo sila ng album ng  nasabing viral online seller.

 

 

Gagawin din siya ni Kuya Wil II na ambassador ng mga online seller. Tutulungan nila ang mga gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.

 

 

Sa mga interesado, puwedeng tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email  at mag-message sa dlinutil@yahoo.com and look for Wilbert Tolentino.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Duterte PDP-Laban wing, inendorso ang presidential bid ni BBM

    INENDORSO ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presidential bid ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nalalapit na halalan sa bansa.     Ito’y matapos na ilarawan ni Pangulong Duterte si Marcos bilang “spoiled” at “weak leader relying on his dad’s name.”     Nakasaad sa PDP-Laban National Executive […]

  • Gamitan ng pangalan ng mga politiko para makakuha ng contract purchase sa gobyerno, kinastigo ni PDu30

    Saksakin na lang ninyo. Wala ‘yan. Ito ‘yung mga parasites, mga linta, and they thrive on the gullible iyong pati ‘yung naive na lolokohin mo ‘yung kapwa mo tao,” diing pahayag ng Pangulo.   Sinabi ng Pangulo na kung alam naman ng isang tao na diretso siya, maganda ang kontrata, kumpleto, walang kulang ay walang […]

  • Ads August 24, 2021