• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.

 

 

Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan may nabiling murang sibuyas, bigas, asukal, at marami pang iba.

 

 

Ayon kay Asec. Tolentino, hindi imposible na sisibol ang mas marami pang Kadiwa market dahil sa programa ng Office of the President.

 

 

Panalo ang kostumer sa murang bilihin habang panalo din ang mga magsasaka at mga manufacturer na nabigyan ng pagkakataon na mabenta ang kanilang produko sa makatwirang presyo.

 

 

Aniya, ang kailangan na lang sa ngayon ay ang mas masusi pang pag-aaral at pagbibigay ng suporta sa programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Other News
  • DUTERTE MAY NAITABI NG BUDGET PARA SA COVID-19 VACCINE –PALASYO

    NAKAPAGTABI na ang pamahalaan ng pondo para ibili ang 20 milyong mahihirap na Filipino ng vaccine laban sa Covid -19 kapag naging available at handa na ito bago matapos ang taon.   Sa isinagawa kasing dalawang araw na pagpupulong ng mga Executive Board ng WHO, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na kakailanganin ng […]

  • Singil ng kuryente posibleng tumaas dahil sa SC decision

    POSIBLENG tumaas ang singil ng kuryente sa bansa matapos na ideklara ng Korte Suprema na “null and void” ang kautusan ng Energy Regulatory Commission na nagpapatupad ng regulated power rates sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong Nobyembre at Disyembre 2013.     Base sa court desisyon na ipinalabas ni SC Associate Justice Jhoseph Y. […]

  • Letran target ang 8th win

    PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na ma­sikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.   Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal […]