Pag-uulit ng DepEd, booster hindi required sa mga estudyante
- Published on August 12, 2022
- by @peoplesbalita
MULING inulit ng Department of Education (DepEd) na mananatiling hindi mandatory o sapilitan para sa mga estudyante na tumanggap ng kanilang primary vaccine series at booster shots bilang paghahanda para sa pagpapatuloy ng “in-person classes”.
Ito’y sa kabila ng naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko kabilang na sa mga kabataan na magpa-booster shot.
Sa press conference, tinanong si DepEd spokesperson Michael Poa hinggil sa vaccination policies na ipatutupad ng DepEd matapos na ihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang vlog, araw ng Sabado na kailangan na tiyakin sa lahat lalo na sa mga kabataan na makatatanggap ang mga ito ng kanilang booster para protektahan ang kanilang mga sarili mula sa COVID-19.
Aniya, sumusunod lamang ang DepEd sa national policy na ang pagbabakuna ay hindi sapilitan.
“Of course, we are one with the President in encouraging everyone to get either vaccinated or get their booster shots kung hindi pa sila nakakapagpa-booster. However, as we all know, the government’s vaccination program is not mandatory in nature. Voluntary pa rin po siya. As a matter of national policy, sumusunod din ang DepEd. Hindi po tayo mandatory sa DepEd,” ayon kay Poa.
Tiniyak ng departamento na hindi nila idi-discriminate ang kahit na sinuman laban sa mga hindi bakunado mula sa mga bakunado na kapuwa mag-aaral at teaching at non-teaching staff.
Aniya pa, ang pagsasama ng mga kabataan na bakunado laban sa COVID-19 at iyong mga hindi bakunado ay hindi magiging problema sa face-to-face classes resume.
Sa kabila nito, nananatili namang nakikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Health (DOH) na i- roll out ang mobile COVID-19 vaccination at i-organisa ang counseling sessions sa hanay ng mga unvaccinated learners sa mga eskuwelahan.
Binigyang diin naman ni Poa ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards, bilang tugon sa kalatas ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na “very possible” para sa COVID-19 cases sa bansa na magpatuloy na tumaas sa oras na buksan na ang mga klase.
“Siyempre po, we take the OCTA Research seriously, nakakatulong naman po ‘yan as guidance for us. However, if you look at other studies also like UNICEF, there is no direct correlation between in-person classes and transmission as long as nandiyan ‘yung minimum health and safety standards natin,” ayon kay Poa. (Daris Jose)
-
DBM, tiniyak sa mga guro ang pagpapalabas sa 2022, 2023 productivity bonus
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na ipalalabas nito ang Performance-Based Bonus (PBB) ng public school teachers para sa Fiscal Years 2022 and 2023 sa kabila ng ipinalabas na Executive Order (EO) No. 61, may mandato na rebisahing mabuti ang Result-Based Performance Management System (RBPMS) at ang Performance-Based Incentive System (PBIS). Inihayag ito […]
-
Growth Domestic Product ngayong taon ibinaba sa 6-7% mula sa 6.5 hanggang 7.5%
IBINABA ng gobyerno sa 6-7% mula sa 6.5 hanggang 7.5% target na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kanilang isina-alang alang sa adjusted GDP projection ang performance mula nuong nakaraang taon. Kasama rin ang developments sa global economy partikular ang global finance at economic slowdown, pagtaas ng […]
-
DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante. Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o […]