• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagaganahin ang imahinasyon at interpretasyon sa movie: ROMNICK, puring-puri si ELIJAH at ‘di umaasang mananalo ng award

WALA talagang itulak kabigin sa kahusayan sa pag-arte nina Romnick Sarmenta sa Elijah Canlas sa psychological thriller-drama na “About Us But Not About Us” na entry ng IdeaFirst Company sa 1st Summer Metro Manila Films Festival na nagsimula noong April 8 at magtatapos sa April 18, 2023.

 

 

Sa imbitasyon ni Direk Perci Intalan, napanood namin ang isa naman sa obra ni Direk Jun Robles Lana (na siya rin ang nagsulat), sa unang araw ng filmfest sa sa Gateway Cinema 4, na kung saan sa tatlong magkakasunod na screenings ay nanguna ito sa bilang mga nanood.

 

 

Gandang-ganda kami at kapuri-puri talaga sa 90-minute movie na nanalo na ng Best Film sa Critic’s Pick competition ng 26th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia, last November 2022.

 

 

Napakahusay talaga ang pagganap nina Romnick bilang Eric at Elijah bilang Lance, na tututukan at hindi tatayuan. Dahil siguradong mas mami-miss ka, dahil sa dalawang karakter lang iikot ang istorya habang nag-uusap sa isang restaurant

 

 

Grabe, ang tindi ng epekto habang pinanonood ang “About Us But Not About Us” dahil pagaganahin ang inyong imahinasyon at interpretasyon. Habang gumugulong ang kuwento, ang daming kaganapan at ang mga twist na hindi mo inaasahan at mahirap hulaan. Bagay na may panggulat at lalabas sa sinehan na nag-iisip sa mga nangyari, kasama na ang ikatlong character na importante sa istorya.

 

 

At dahil nga sa kahusayan nina Romnick at Elijah, for sure, mahihirapan ang jurors sa pagpili kung sino ang pipiliin na ma-nominate at manalong Best Actor sa 1st Summer MMFF Gabi ng Parangal ngayong April 11 na gaganapin sa New Frontier Theater.

 

 

Anyway, afterng 3pm screening ng “About Us But Not About Us” nakausap namin kay Romnick at inamin ng aktor na puring-puri niya si Elijah.

 

 

“Nag-best actor internationally na ‘yun bata. Kung sa galing at galing lang, wala na tayo mahihiling,” sabi ni Nicko.

 

 

“Madali at magaan kasama sa trabaho. Alam niya ‘yun ginagawa niya. With the years to come, kung talagang pagbubutihan at tututukan niya ang sarili, gagaling pa siya lalo.

 

 

Ayaw naman umasa ni Romnick na mananalo siya ng Best Actor para sa movie nila ni Elijah, kahit marami ang nagsasabi na malaki ang laban niya.

 

 

Sapat na raw ma-nominate siya at mapansin ang performance niya sa naturang pelikula, na napanood na nga sa ibang bansa.

 

 

And hopefully, mas maraming Pilipino ang makapanood sa mga susunod na araw.

 

 

“Nagpapasalamat ako at grateful, pero hindi talaga ako umaasa, siguro ugali ko na ‘yun,” pahayag niya.

 

 

“Kung mangyari, salamat sa Diyos pero kung hindi, salamat pa rin. Kung ano ang gusto Niya, okay lang sa akin. Ano’t-ano man, I’m grateful to be part of the movie at presented in different countries.

 

 

“Sa akin, pinakamalaking gift sa isang artista, yung well-received ang pelikula n’yo kahit saan. Pag nakita sa ibang kultura, sa ibang bansa, tapos sinabi na maganda ang pelikula, okay na sa akin ‘yun.”

 

 

Goodluck Romnick at Elijah na kung pupuwede lang mag-tie at buong pelikula, na inaasahan na maghahakot ng awards…

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law.     Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.     Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]

  • Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos

    TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo  habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.     Sa  Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo  na ginawa ni Pangulong […]

  • 3 laro ang magbubukas sa PBA Philippine Cup

    TATLONG sultada ang magtataas ng kurtina sa 46th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2021 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Biyernes Hulyo 16.     Sinapubliko ng professional hoop league Huwebes ang skedyul makaraang walang magpositibo sa Covid-19 base sa RT-PCR tests ng 10 team at mga tauhan ng liga na ginawa noong […]