• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGAWAAN NG SIGARILYO SA BANSA, ISANG MODEL WORKPLACE

ANG  pasilidad ng mga malalaking pagawaan ng sigarilyo  sa bansa ay model workplace sa panahon ng pandemya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng kanyang pagbisita sa isang malaking planta ng sigarilyo.

Sa kanyang pagbisita sa planta ng Phlip Morris Fortune Tobacco Co kahapon, pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang multinational firm para sa mahigpit na pagsunod nito sa safety health protocols na hinihiling ng pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng Covid-19.

“The chances of transmission of the virus within this facility is low. It is heavily protected by safety and health protocols,” ayon sa kalihim.

Habang inililibot ni  Philip Morris International (PMI) Director for Operations Joao Brigido ang kalihim sa PMFTC complex, napahanga ang kalihim  sa mahigpit na pagpapatupad  ng physical distancing pati na ang pagsusuot ng mga face masks at shields.

Napansin din ng kalihim ang pagkakaroon ng maraming disinfectants gaya ng alcohol na madaling ma-access ng mga mangagagawa sa strategic locations  ng pasilidad.

“It only shows the utmost sincerity of PMFTC to work with government in protecting Filipinos at workplaces,”

“I am truly glad that PMFTC has become a partner of the government in fighting CoVid 19. By promoting safety at workplace, they stay in business and preserve employment for our countrymen,” dagdag pa ni Bello.

Napag-alaman na ang pasilidad ng pagawaan ng sigarilyo ay mayroong 1,200 manggagawa.

Kasamang bumisita ni Bello ay ang chairman ng Commission in Higher Education na si Prospero de Vera na kabilang din  Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na tinalakay ang kamang-manghang kampanya ng lungsod laban sa outbreak.

Sinabi naman ng kalihim ang pangangailangan para mas mahigpit na pagtalima sa safety and helath protocol sa mga lugar ng trabaho.

“My only request from employers and workers is that they follow the guidelines of the government in fighting Covid 19.  We can defeat the virus if we fight as one,” dagdag pa ng kalim. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Teng pinuno na ng Alaska

    SA simula nang unang upo ni Jeffrey Cariaso bilang coach ng Alaska Milk, mababalasa rin ng tatahakin ang Aces.   Mga bagong dugo na ang inaasahang ipangkakanaw ng gatas sa papasok na buwang 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020.   Bubuksan ang all-Pinoy Conference sa Marso 8 na si Jeron Teng na ang […]

  • Israel Amb. Fluss, “gusto naming makita na ligtas ang mga Pinoy”

    SINABI ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na nais nilang makita na ligtas ang mga pinoy at malayang makakaalis ng lugar sa gitna ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at grupo ng Hezbollah sa Lebanon,   “We are not preventing also the evacuation of Filipinos from Lebanon, certainly not. Filipinos are […]

  • Rookie card ni Serena Williams naibenta sa mahigit P2.2-M

    Naibenta sa auction sa halagang $44,280 o mahigit P2.2-M ang autographed 2003 rookie card ni tennis star Serena Williams.     Ayon sa Goldin Auctions na ito na ang maituturing na pinakamahal na sports card ng isang babaeng atleta na naibenta.     Una kasing naitala ang rookie card ni dating US soccer player Mia […]