• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbaba ng kaso ng COVID-19 aabutin ng 1 buwan – OCTA

Aabutin pa ng isang buwan bago makita kung bababa ang kaso ng COVID-19 sa gitna ng paghihigpit sa community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig probinsiya.

 

 

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng makikita ang epekto ng mga “interventions” na ipinatutupad ng pamahalaan sa susunod na dalawa o tatlong linggo pero ang pinakatiyak ay sa loob ng apat na linggo o isang buwan.

 

 

Ginawang halimbawa ni David ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine noong nakaraang taon kung saan umabot ng isang buwan bago nakita ang epekto.

 

 

Idinagdag naman ni Prof. Ranjit Rye na kasama rin sa OCTA Team na kailangan talagang higpitan ng gobyerno ang ipinatutupad na general community quarantine upang magkaroon ng positibong resulta.

 

 

Sinabi pa ni Rye na kailangang mag-adjust ang mga mamamayan at tumulong rin ang pribadong sektor at mga may negosyo.

 

 

Dapat aniya tiyakin na ligtas ang mga “work place” mula sa COVID-19 at kung maaari ay ipatupad ang work from home. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate

    HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.     Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa […]

  • Williams hahakot ng 3 tropeo sa PBAPC Awards Night

    IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hun­yo 21 sa Novotel Manila Araneta Center.     Pamumunuan ng Fil-Am guard ang All-Rookie team kasama sina Jamie Malonzo (NorthPort), Calvin Oftana (NLEX), Leonard Santillan (Rain or Shine) at […]

  • 7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

    PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.     Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na […]