• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGBABA NG KASO NG COVID WALA PANG SENYALES

HINDI  pa nakikitaan ng pagbaba ng mga kaso  ng COVID-19 sa Pilipinas at ang mas mababang bilang ng impeksyon na naitala nitong Martes ay dahil sa mababang testing output, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque na galing ang output sa ginawang testing noong Linggo kung saan karaniwang mababa ang testing output dahil sarado ang ilang mga laboratoryo at karamihan din ay nag-isolate dahil may symptoms habang ang iba naman ay  na-quarantine dahil na-expose  kaya hindi niya ito indikasyon na ang peak ay tapos na .

 

 

“We might still be in the acceleration phase of our surge but we pray, we are doing our best to hopefully contain this the soonest possible time and then magdecelerate na kaagad, like what happened in South Africa, mabilis tumaas, mabilis bumaba. Four weeks lang ‘yun,” ayon sa kalihim.

 

 

Kinumpirma rin ng kalihim na naobserbahan ang pagsirit ng kaso  sa mga rehiyon  sa labas ng Metro Manila.

 

 

Hinimok naman nito ang mga lokal na opisyal na paigtingin ang proseso ng pagbabakuna sa kani-kanilang mga lugar, idinagdag na ang mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ay dapat palaging sundin.

 

 

Kabilang rito ang  Regions IV-A, III, at ngayon ay   Region I at II  kaya naman umapela ito sa mga regional directors ng DOH , DILG, LGUs sa nasabing mga lugar  upang palakasin, mas agresibo, ang kanilang pagbabakuna sa kanilang mga mamamayan.

 

 

Maaari pa rin aniyang dahil sa Omicron variant ang pagtaas ng kaso sa mga rehiyon na sinasabing na mas nakakahawa, gayunman,may ibang kadahilanan pa rin ang pagtaas ng kaso tulad ng holiday season kung saan nagtipon -tipon ang mga tao.

 

 

“Yeah, well it’s possible that Omicron… because ang naidentify ng ating epidemiology bureau, we have… sabagay NCR ang pinakamarami pa rin, 19 cases and then ten from returning overseas Filipinos but we have about 19 local cases and I think mayroon tayo sa Region V, sa NCR and I forget the other regions,” pahayag pa ng kalihim.

 

 

Nitong Martes ay nakapagtala ng 28,007 kaso Kung saan may kabuuan nang  3,026,473 COVID case sa bansa.

 

 

Nanguna pa rin ang  National Capital Region sa may pinakamaraming naitalang kaso na umabot sa  (15,256 o 55%), Region 4-A (5,861 o 21%) at Region 3 (3,064 o 11%).

 

 

Nauna rito, sinabi ng DOH na maaaring ipagpalagay na mayroon nang local transmission ng Omicron sa bansa.  (GENE ADSUARA )

Other News
  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]

  • Memorandum of Understanding, nilagdaan para sa pagtatatag ng Integrated city-wide health system sa Navotas

    ISANG Memorandum of Understanding ang nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD); at Brian Florentino, Local Health Insurance Office Head ng PhilHealth NCR-North sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, […]

  • PBBM, in-adjust ang dividend rate ng DBP para sa taong 2021

    IN-ADJUST ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang porsiyento ng annual net earnings na idedeklara ng state-run Development Bank of the Philippines (DBP) para sa taong 2021.     Sa katunayan, ipinalabas ni Pangulong Marcos ang Executive Order (EO) 8, na naglalayong tapyasan ang dividend rate ng  DBP ng hanggang zero% mula sa kasalukuyang 50% […]