Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.
Natural lamang ayon kay Sec. Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon para manalo.
At kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Pangulo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.
Sinasabing may 3 porsiyento ng margin error kaya’t humigit kumulang ay di naman tatas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Panglo.
November 2020 naman ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)
-
PH Embassy, hindi sigurado kung umalis na ng Estados Unidos ang mga undocumented Pinoy bago pa ang mass deportation
HINDI sigurado at hindi pa madetermina ng Philippine Embassy sa Washington kung may mga undocumented Filipino ang umalis na ng Estados Unidos bago pa ang inaasahang mass deportation sa ilalim ng Trump administration. “We are not sure whether many of those that are undocumented na ating mga kababayan have left,” ayon kay Philippine Ambassador […]
-
9 arestado sa droga sa Navotas
Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City. Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia […]
-
Pinas, gagamitin ang digitalization, people-participation laban sa korapsyon
GAGAMITIN ng gobyerno ang “two-pronged approach” gaya ng ‘digitalization at people participation’ sa pakikipaglaban sa korapsyon. Sa pagsasalita sa 5th State Conference on the United Nations Convention against Corruption (UNCAC) Implementation and Review sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na ang pag-streamline at digitalisasyon ng government processes ay makababawas sa mga paraan […]