Pagbabagong-bihis sa gabinete ni PBBM, nagbabadya matapos ang appointment ban
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPAHIWATIG na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ng bagong-bihis ang kanyang gabinete sa oras na matapos na ang appointment ban sa mga talunang kandidato na tumakbo noong nakaraang eleksyon sa bansa.
Nakatakda kasing magtapos ang appointment ban sa Mayo 9, 2023.
Inamin ng Pangulo na masigasig siyang magtalaga ng ilang indibidwal sa ilang posisyon na hindi na sakop ng prohibisyon.
“Marami. Talagang gagamitin mo ‘yung one year. Asahan niyo ‘yun. By the end of the first year magiging maliwanag in the sense na tapos na yung OJT ng lahat ng tao. We’ve seen who performs well and who is– will be important to what we are doing,” ayon sa Pangulo.
“So, yes, there’s still going to be… I don’t know about ‘reshuffle’ pero reorganization sa gabinete,” dagdag na wika ng Pangulo.
Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Marcos at hindi rin ito nagbigay ng anumang pagkakakilanlan sa mga personalidad na nasa kanyang listahan na bibigyan niya ng government post.
Nakasaad sa Section 94 ng Local Government Code na “Appointment of Elective and Appointive Local Officials; Candidates Who Lost in an Election. – (a) No elective or appointive local official shall be eligible for appointment or designation in any capacity to any public office or position during his tenure.”
“Unless otherwise allowed by law or by the primary functions of his position, no elective or appointive local official shall hold any other office or employment in the government or any subdivision, agency or instrumentality thereof, including government-owned or controlled corporations or their subsidiaries,” dagdag nito. (Daris Jose)
-
Ads September 17, 2021
-
Bucks balik uli sa porma, Hornets pinayuko
HUMAKOT si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 16 rebounds para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 130-106 pagsuwag sa Charlotte Hornets. Naglista si Jrue Holiday ng 21 points at 8 assists habang kumolekta si Bobby Portis ng 20 points at 10 rebounds para sa Milwaukee (38-25) na kasosyo ang Cleveland Cavaliers sa No. […]
-
Russian attack submarine, naispatan
NAISPATAN kamakailan ang isang Russian Attack Submarine sa katubigan ng Pilipinas na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay nakakabahala. Kinumpirma rin ito ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force on ther West Philippine Sea . Gayunman, ang ibang detalye ay ipinauubaya na lamang ng PCG sa Philippine Navy. Sinabi naman […]