• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw.

 

 

Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro at mga pinuno ng tanggapan sa Kapitolyo kung saan unang binakunahan ng Sinovac’s Coronavac Vaccine ni Development Management Officer V Dr. Emily Paulino ng Department of Health – Bulacan sina Response and Vaccine Cluster Head ng Provincial Task Force at Chief of Hospital Dr. Hjordis Marushka Celis, Hospital Training Officer Dr. Jose Emiliano Gatchalian at Nurse Supervisor Alma Villena ng Bulacan Medical Center ayon sa pagkakasunud-sunod.

 

 

Layon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabakunahan ang may 300 indibidwal kada araw na bahagi ng 833 health workers, frontliners at mga empleyado mula mga district hospital at PHO-PH na kabilang sa mga prayoridad na mabigyan ng unang dose ng bakuna.

 

 

Sinigurado din Fernando, Paulino at Celis na may Emergency Use Authority (EUA) na aprubado ng Food and Drug Administration ang mga bakunang gagamitin.

 

 

“Ang pagbabakuna po ay para sa ating lahat. Ito ay hindi lamang para sa iyo at sa iyong pamilya. Para rin po ito sa inyong mga barangay, lungsod, at probinsiya. Ito po ay unang hakbang upang muli po tayong makabangon,” anang gobernador.

 

 

Aniya,” the faster we vaccinate Filipinos at the soonest possible time, the better for Filipinos. Mahalaga po na mas marami po tayong mabakunahan sa lalong madaling panahon upang mas mabilis rin po nating mabuksang muli ang ekonomiya. Kapag bukas ang ekonomiya, mas marami ang makapagtrabaho at mas mababawasan ang nagugutom.”

 

 

Nagpasalamat naman si Dr. Jerica Miah Borgonia, isa sa mga nabakunahan mula sa BMC, dahil sa kaayusan at proseso ng pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

 

“Maayos po ang naging proseso ng pagbabakuna. Sa akin naman po ay walang problema kahit anong bakuna ang available, ang mahalaga ay mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Sa kanyang panapos na mensahe, sinabi ng punong lalawigan na pinakamabisa sa lahat ang paghingi sa Panginoon ng gabay laban sa nararanasang pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • MAG-DYOWA, 2 PA ARESTADO SA BUY-BUST

    TINATAYANG 10 gra,o ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P680K halaga ang nasabat Manila Police District (MPD)-Station 5  sa apat na katao sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Lunes ng gabi.     Kinilala ang mga suspek na si Aldwin dela Cruz, 43; at kasintahan nito na si  Monica Orlanda y LLego,26; na  […]

  • Pagdiriwang ng 22nd Malabon Cityhood Anniversary

    MALUGOD na tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama si former Ricky Sandoval at City Administrator Alexander Rosete si Senador Cynthia Villar bilang Guest Speaker sa Gabi ng Parangal 2023 na ginanap sa Malabon City Sports Complex, kung saan binigyan ng pagkilala ang top business at real property taxpayers ng lungsod. Ang kaganapan ay […]

  • LTFRB: Petisyon sa pagtataas ng TNVS fare sasailalim sa hearing

    MATAPOS ang P1 provisional increase ng pamasahe ng mga jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magsasagawa naman ng hearing sa petisyon ng Transport Network Companies (TNC) sa pagtataas ng pamasahe sa mga ride-hailing apps.   Sa darating na June 29 na gagawin ang […]