Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
DAHIL sa namuong banta ng Delta variant, walang kuwestiyon na ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ay isang mahalagang solusyon.
Nakasaad sa Seksyon 2 ng Guidelines for Areas Placed Under ECQ ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na “gatherings that are essential for the provision of health services are allowed.”
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbabakuna ay napaka-importante para magtayo ng pader ng depensa laban sa Delta variant at protektahan ang populasyon.
“Vaccinating individuals in this trying time is an essential health activity,” giit ni Sec. Roque.
Kaya nga, tiniyak ni Sec. Roque na “Our mass vaccination program will therefore continue and intensify for first and second dose, notwithstanding next week’s ECQ classification of Metro Manila and other areas.”
Kailangan aniyang siguraduhin na ang public transportation at vaccination sites ay mayroong mekanismo para ipatupad ang minimum public health standards.
Kailangan din na makipagtulungan ang publiko para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng lahat gaya ng vaccinators at vaccinees.
Gaya aniya ng palaging sinasabi ni Pangulong Duterte, “no one is safe until everyone is safe.”
Samantala, sa hinggil naman sa financial assistance o ayuda na ibibigay sa mga indibidwal na apektado ng ipatutupad na ECQ, ang marching order aniya ng Pangulo sa mga concerned agencies ay maghanap ng pondo para tulungan ang mga labis na mahihirapan. (Daris Jose)
-
Director Shawn Levy, Opens Up About A Potential Sequel After ‘Deadpool & Wolverine’
AFTER directing Ryan Reynolds’ first Marvel Cinematic Universe movie, Shawn looks at the chances of Deadpool 4 happening after Deadpool & Wolverine. 2024 may only have one MCU movie coming out, but it will definitely be one of the most significant films for the Multiverse Saga, as Deadpool & Wolverine will shake up the […]
-
House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez
Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for […]
-
Utah Jazz, dumanas ng 44-pt loss sa kamay ng Kings
DUMANAS ang Utah Jazz ng isa sa pinaka-matinding pagkatalo ngayong araw matapos itong tambakan ng Sacramento Kings ng 44 points. Tinapos ng Kings ang laban, 141 – 97. Sa unang quarter ng laban, sumabay pa ang Jazz at tanging tatlong puntos lamang ang naging lamang ng Kings. Pinilit ng Jazz na […]