Pagbabayad ng utang sa Philippine National Red Cross, kayang bayaran ng buo
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na walang problema sa usapin ng pondo ang pamahalaan para mabayaran ang utang ng PHILHEALTH sa Philippine National Red Cross.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung sa kakayahang magbayad ng gobyerno para ayusin na ang atraso sa PNRC ay kaya naman nito.
Iyon nga lamang ay kailangan lang na may daanang procedures alinsunod o subject to government audit rules.
Mayroon lang umanong dapat plantsahin sang-ayon sa panuntunan ng Commission on Audit o COA.
So mayroon lang pong paplantsahin sang-ayon nga sa mga rules din ng COA. Pero kung nag-offer na po ang PhilHealth 50%, kung tinanggap na po iyon matagal na pong bayad iyong 50%. Pero ang gusto po ng Red Cross ay 100% ang mababayaran,” paliwanag ni Sec. Roque.
Maliban dito ay inihirit din ni Sec. Roque na dapat din sanang magkaruon ng reconciliation sa halaga ng testing na siningil sa mga nai- swab ng PNRC.
Mas mababa dapat ang ibawas sa PHILHEALTH kung ang machine na ginamit sa isang nagpa-test ay donation kasama na ang testing kits.
“Well, kailangan po siguro mag- reconciliation. Kasi ang aking paningin diyan iba-iba kasi ang halaga ng testing depende kung donated iyong machine at depende kung donated iyong testing kit,” ayon kay Sec. Roque.
“Bagama’t ang case rate po ay P3,500 pero mas mababa po talaga ang dapat masingil sa PhilHealth kung ang machine po ay donated at ang testing kits nga po ay donated. Sa tingin ko reconciliation lang iyan so wala pong problema iyan. Ang gobyerno naman po eh, kaya nga po napakaimportante nang tinatawag nilang sovereign guarantee right, kahit gaano ka kahirap, kahit gaano ka kayaman basta naman gobyerno ang nag- assure na magbabayad eh tinatanggap po iyang assurance na iyan dahil hindi naman po tayo mauubusan ng pera,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Matindi lang ang eksena ni Rio na kinunan: RURU, nilinaw na fake news ang kumalat na walang medic sa set ng ‘Black Rider’
NANANATILING solid at loyal na Kapuso si Michael V. sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA. At dahil marami-rami na rin siyang nagawang proyekto para sa GMA, natanong ang comic icon kung handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show? “Parang hindi pa time,” lahad […]
-
PDu30, muli na namang dinepensahan si Sec. Duque
SA hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III. Nahaharap kasi si Sec. Duque sa alegasyon ng korapsyon. Si Duque, chairman ng board of state medical insurer PhilHealth kung saan ang mga opisyal ay inakusahan sa Senate hearing ng pambubulsa […]
-
PVL schedule inilabas na
INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila. Sa opening day, unang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Conference champion […]