• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbakuna sa 35.5 milyong workers kasado na

Kasado na ang pagbakuna sa 35.5 milyong manggagawa kung saan prayoridad ng pamahalaan na unahin ang nasa edad 40-taong gulang pataas sa ilalim ng A4 group sa nagpapatuloy na ‘vaccination program’ sa bansa sa darating na Hunyo.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na mas uunahin nila ang mga mas nakatatanda sa ‘working class’ dahil sa mas mataas ang pagiging ‘vulnerable’ umano nila sa COVID-19.

 

 

Sa kasalukuyan, mi­namadali na nila ang pagbabakuna sa A1, A2 at A3 priority groups habang naghahanda na sa A4 group na kinabibilangan ng mga ‘economic frontliners’ at mga opisyal at tauhan ng pamahalaan.

 

 

Sa Hunyo, maaaring isabay pa rin ang mga nasa A1, A2 at A3 groups na bibigyan ng ‘special lane’ sa mga vaccination sites habang ilalarga na ang A4 groups sa bakunahan.

 

 

Sinabi ni Vega na ka­ramihan sa mga bakuna ay inilalaan nila sa mga itinuturing na high-risk areas, gaya ng NCR Plus bubble, na kinabibila­ngan ng National Ca­pital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, gayundin sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Cebu, Davao at Northern Mindanao.

 

 

Kasalukuyang mahigit sa 3,000 inoculation centers na umano ang itinayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Balitang muli silang magtatambal ni Robin: SHARON, gustong kasama si KC ‘pag natuloy ang U.S. tour nila ni GABBY

    BALITANG may balak ang Viva Films na gawan ng sequel ang pelikulang “Maging Sino Ka Man” na pinagtambalan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.      Ayon kay Sharon, kinausap daw siya ni Boss Vic del Rosario na balak nilang gawin ang sequel nito.  Hindi pa raw naman ito confirmed pero isa raw ito […]

  • Bryan Quiamco hari ng Ho Chih Minh City International Marathon

    Giniyahan ni Bryan Quiamco ang pasabog ng Team Philippines 7-Eleven nitong Linggo sa 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam.     Kumawala sa 3-man lead pack sa 33K mark ang 36 na taong-gulang na Pinoy na tubong Kawit, Kauswagan, Lanao Del Norte pero residente na ng Roosevelt, Tibanga, Iligan City upang […]

  • Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying

    Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlif­ting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.     “Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver  medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas […]