• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbakuna sa 60-M Pinoy, aabutin ng hanggang 5 taon – Galvez

Inamin ng gobyerno na aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Pilipino.

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 20 million hanggang 30 million katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

 

Ayon kay Sec. Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaring masimulan ang pagbabakuna.

 

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

 

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa mga kompanyang AstraZeneca, Sinovac Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.

 

Aabot sa P73 billion pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna. (ARA ROMERO)

Other News
  • Ads February 22, 2021

  • Pinatunayan lang na girl na girl at may ‘matres’ Pagbubuntis ni ANGELICA, maraming natuwa at isa na si JUDY ANN

    NAPAKARAMI talagang naging masaya sa pagbubuntis ng actress na si Angelica Panganiban.       Na para bang kahit biruan lang, na-prove na may “matres” nga siyang talaga at hindi siya “bakla.”     Mukhang isa ang kaibigan at “ate” talaga ang turing ni Angelica na si Judy Ann Santos sa nakaalam agad na buntis siya. […]

  • Babala sa mga supermarkets: “You’re next”

    BINALAAN ni House QuintaComm CoChair Joey Sarte Salceda (Albay) ang mga supermarkets at malalaking retailers ng bigas na sisilipin din ng five-committee House panel on cheaper food prices ang posibilidad ng price manipulation at profiteering sa malalaking big retailer level.       “I am warning supermarkets and big groceries. We have received reports that […]