• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbakuna sa mga batang 3-5 taon gulang vs COVID-19, pag-aralang maigi

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno at Department of Health (DoH) na seryosong ikunsidera ang posibilidad na pagsama ng mga batang idad 3 hanggang 5 anyos sa vaccination program laban sa coronavirus disease-19 (COVID-19).

 

 

Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor (Iloilo), sa kabila na mas mababa ang Covid infection rates sa nasabing age group ng mga bata kumpara sa nakakatanda ay mas madali silang kapitan ng infection at may mas mataas na tiyansang mahawa lalo na ngayong medyo maluwag na health protocols sa bansa.

 

 

 

“And with Malacañang’s recent order to allow voluntary wearing of face masks in non-crowded outdoor areas, our children need more protection from COVID-19. And I believe that their inclusion in the government’s vaccination program will better protect them against the disease,” pahayag ni Defensor.

 

 

Una nang nanawagan ang mambabatas kasabay nang paghahain niya ng House Resolution 270 nitong Agosto na nanghihikayat sa pamahalaan at DOH na isama ang mga batang 3-5 taon gulang sa vaccination program nito.

 

 

Sa panahon na iyon, nakapagtala ang gobyerno ng mahigit sa 3,900 bagong kaso ng covid19 kada araw na mas mataas ng 13% kumpara sa nakalipas na buwan.

 

 

Ngayong 2022 lamang, mayroong tatlong bagong COVID-19 sub-variants na naitala sa bansa na mas medaling makahawa kumpara sa unang COVID-19 variants, tulad ng Omicron, BA.5, BA 2.12.1 at BA.4.

 

 

Nitong Pebrero aniya ay sinimulan ng DOH ang “Resbakuna Kids” campaign, para sa pagpapatupad ng bakunahan sa mga batang idad 5 hanggang 11 anyos, na aprubado naman ng Food and Drug Administration.

 

 

Ngunit, ibinunyag nito na iniulat ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na may 1,300 kaso ng COVID-19 infections sa mga batang 5 anyos pababa noong Marso.

 

 

“According to the World Health Organization, children under the age of 5 have a higher risk of other diseases with clinical presentations that overlap with COVID-19, such as pneumonia and other viral upper respiratory tract infections, which may lead to misclassification,” nakasaad sa resolution.

 

 

Sinabi ni Defensor na sa US ay pinayagan na ng FDA nila ang emergency use ng COVID vaccines tulad ng Moderna at Pfizer-BioNTech para sa mga indibidwal na 6 buwan hangang 17 taon gulang.

 

 

Bukod sa panawagan na isama ang mga bata sa COVID-19 vaccination, hinikayat din ni Defensor ang DOH na siguruhin na may sapat na suplay ng bakuna para sa lahat ng age groups.

 

 

“Be it finally resolved, to encourage the DOH to continue to secure stable supply of COVID-19 vaccines to ensure continuous implementation of vaccination programs to various age groups and vulnerable sectors nationwide and achieve its goal of reaching herd immunity in the country,” nakasaad pa sa resolusyon. (Daris Jose)

Other News
  • Venue ng opening ceremony ng Paris Olympics pinag-aaralang ilipat

    Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.       Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.       Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung […]

  • LRT 1 walang operasyon sa Dec. 3 – 4

    SUSPENDIDO muna ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 simula sa Dec.3 hanggang Dec. 4 upang bigyang daan ang reintegration ng istasyon sa Roosevelt sa buong linya.     Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang nagbigay ng anunsiyo ng suspensyon ng operasyon.     “LRT 2 has to be closed for two days […]

  • $672 milyong investment pledges nakuha ni PBBM sa APEC trip

    NAKAKUHA  nang mahigit $672,300,000 mga pangakong pamumuhunan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  mula sa iba’t ibang sektor sa kanyang matagumpay na paglahok sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California noong nakaraang linggo.     Kabilang sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo ay may kinalaman sa teknolohiya, internet […]