• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbalik muli ng ‘NCR Plus’ bubble, iminungkahi ng OCTA vs Delta variant

Naniniwala ang OCTA Research Group na ang pagpapatupad muli ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble sa Metro Manila at karatig probinsiya ay malaking tulong para maprotektahan ang mga lugar sa pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus Disease 2019. Ito’y habang patuloy na nakabukas ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng local cases sa Delta variant na unang naiulat sa bansang India.

 

 

Ayon sa OCTA Research fellow na si Guido David, ang ideya ng bubble ay para makaiwas na kumalat pa ang Delta variant dahil magiging limitado ang galaw na para lamang doon sa mga essential o mahahalagang lakad.

 

 

Sinabi ni David kapag may bubble, protektado ang nasa loob ng NCR Plus at hindi ito maapektuhan mula sa labas.

 

 

Kapag umiiral ang bubble, ang mga bata ay mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ng bahay dahil ang Delta variant ay maaring makapagdulot ng long-term effects of COVID-19 sa mga kabataan.

 

 

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang OCTA Research sa ilang lugar gaya ng Mariveles sa Bataan at Laoag City sa Ilocos Norte na nakapagtala ng pagtaas ng COVID cases.

 

 

Binigyang-diin ni David na dapat maging pro-active at huwag nang hintayin na sumirit ang kaso ng COVID bago rumesponde. (Daris Jose)

Other News
  • Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day

    NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas.     Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga Navoteño na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagpapalawig ng 2 pang linggo ng travel ban laban sa UK

    INAPRUBAHAN noong Disyembre 26 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Jr. na palawigin ng dalawa pang linggo ang travel ban laban sa United Kingdom (UK) pagkatapos ng Disyembre 31, 2020. Inaprubahan din ng Pangulo ang rekumendasyon ng Department of Health (DOH) para sa “strict mandatory 14-day quarantine” para sa […]

  • Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts

    MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).     Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa […]