• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbalik ng ekonomiya sa pre-pandemic levels, ‘di pa rin sapat sa recovery ng bansa – NEDA

MAS MARAMI pa ang kailangan at dapat gawin upang sa gayon magtuloy-tuloy ang economic growth ng Pilipinas kahit pa makabalik na ang bansa sa prepandemic form nito ngayong quarter, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

 

 

Sinabi ni Socioecoomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon ay nakikita nilang makakabalik sa prepandemic level angekonomiya ng bansa.

 

 

Pero nangangahulugan lamang ito na dalawang taon ding behind ang growth potential ng bansa kaya napakarami pa ang kailangan gawin upang sa gayon matiyak na magtutuloy-tuloy ang paglago na ito.

 

 

Sinabi ni Chua na para magawa ito kailangan na matiyak na masusunod ang 10-point policy ng national government para sa economic recovery.

 

 

Dapat din aniya na maisama ang apat na key areas sa susunod na Philippine Development Plan: ang smart infrastructure; regional equity; pagsusulong nang innovation act; at climate change.

Other News
  • Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, pinarangalan

    BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas. Personal silang pinasalamatan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng […]

  • MALALAKING PAMILYA MULA SULTAN KUDARAT AT MAGUINDANAO SOLIDO ANG SUPORTA SA UNITEAM

    NAGPAHAYAG ng buong suporta ang malalaking pamilya mula sa Sultan Kudarat Province at Maguindanao Province sa tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sara Duterte sa katatapos lang na pagdiriwang ng 5th Kudaraten Festival sa Sultan Kudarat.     Kabilang sa nasabing pagtitipon sina Maguindanao Governor Mariam Mangudadatu, Sultan Kudarat Governor Suharto ‘Teng’ […]

  • ALDEN, hesitant noong una pero nagustuhan ang kakaibang role sa bagong teleserye; sisimulan na ang movie pagbalik ni BEA

    PAALIS na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para magbakasyon ng ilang araw sa USA.      Gusto raw munang mag-recharge ni Bea, dahil pagbalik niya sa bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng movie nila ni Alden Richards na Pinoy adaption ng Korean film, ang A Moment To Remember, na co-production venture […]