• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbangon ng ekonomiya prayoridad ni Leni – Trillanes

PAGPAPANUMBALIK ng sigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa pamilyang Filipino, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho ang priority ni VP Leni Robredo.

 

 

Ito ang binigyang diin ni dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes sa plano ni Robredo na “post-COVID recovery” na tutulong sa pagba­ngon ng mga maliliit na negosyo, o MSMEs, at papalakasin ang “purchasing power” ng mamamayan.

 

 

Ani Trillanes, na tumatakbo uli ng pagka-senador sa ilalim ng team ni Robredo, ang legislative priority ng bagong administrasyon ay isang mahabang listahan ng mga polisiyang pang-ekonomiya na magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya.

 

 

“Kung tayo ay pala­ring maging senador muli, at kung maging presidente si VP Leni, ang unang ipapasa ko ay ‘yung kanyang post-COVID economic recovery program,” ani Trillanes.

 

 

Ang ilan sa mga panukalang ito ay ang unemployment insurance, ayuda sa mga MSMEs, at ayuda sa mahihirap na pamilya.

 

 

“Meron pong unemployment benefits tulad ng ayuda para sa nawalan ng trabaho, para may pantustos sila sa gastusin araw-araw habang nagha­hanap ng trabaho,” ani Trillanes.

 

 

“Isa rin dito ‘yung government employment program. Ito ‘yung mag-generate ng trabaho,” sabi pa niya. “Magkakaroon tayo ng subsidy o financial assistance sa mga maliliit na negosyo para private sector naman ang gagawa ng trabaho.”

 

 

Sa ilalim din ng “Ha­napbuhay Para sa Lahat,” bibigyan ng mas malaking ayuda ang mga MSMEs habang sila ay isasama sa government procurement program. (Daris Jose)

Other News
  • NEW “BABYLON” TRAILER FURTHER REVEALS TALE OF OUTSIZED AMBITION

    THE bigger the dream, the greater the price. Watch the new trailer for Damien Chazelle’s BABYLON starring Brad Pitt, Margot Robbie, and Diego Calva. Only in theaters across the Philippines February 1st, 2023.     YouTube: https://youtu.be/Yl7Q5hV7_sU     Facebook: https://www.facebook.com/watch/?v=703466391198011&ref=sharing     About Babylon     Paramount Pictures Presents A Marc Platt / Wild Chickens / Organism Pictures […]

  • Bise Presidente Robredo, sinamahan ang mga boluntaryong Bulakenyo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sinamahan ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” G. Robredo ang libu-libong boluntaryong Bulakenyong Mother Leader at Lingkod Lingap sa Nayon mula sa Una at Ikalawang Distrito sa pagdiriwang ng International Women’s Month sa kanilang pagtitipon na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Sabado.     Sinalubong ang ikalawang […]

  • World No. 6 Greek netter, papalo kontra Pinoys

    MAKATITIKIM ang Pilipinas ng world-class tennis kapag sinagupa si world No. 6 Stefanos Tsitsipas at liyamadong Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila.   Lalabanan ng mga Pilipinong netter si Tsitsipas at ang mga Greek matapos isagawa ng Davis Cup […]