Pagbibigay ng dagdag na P200 na ayuda, target na maibibigay ngayong buwan- Malakanyang
- Published on March 19, 2022
- by @peoplesbalita
TARGET ng pamahalaan na maibigay ngayong buwan ng Marso sa 12 milyong indibidwal ang karagdagang P200 cash assistance.
Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar, ibibigay ito sa bottom 50% na mahihirap na mga household na aniyay aabot sa 4.2 million households.
Siniguro ni Andanar, may available ng pondo para sa dagdag ayuda na una ng iniulat ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Pangulo na aabot sa 33. 1 billion pesos.
Ang dagdag na 2 daang piso ay bukod sa dati ng 500 pesos monthly na tinatanggap ng mga benepisaryo ng pantawid pamilya program.
Lalabas na mula sa anim na libo kada taon na nakukuha mula sa pantawid pamilya program, madaragdagan pa ito ng 2, 400 kaya’t suma’t total, aabot na sa 8, 400 annually ang maipagkakaloob na cash assistance ng pamahalaan.
Samantala, binatikos ng ilang personalidad ang desisyon ng gobyernong bigyan na lang ng P200 buwanang ayuda ang mga mahihirap imbes na suspendehin ang excise tax, sa harap ng patuloy na pagmahal ng presyo ng petrolyo.
Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng progresibong grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), “pittance” o masyadong maliit at hindi sapat ang buwanang ayuda — na matatanggap sa loob ng 1 taon — ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Reyes na “out of touch” o tila hindi batid ng gobyerno ni Pangulong Duterte at ng economic managers nito ang pinagdadaanan ng mga mahihirap.
Tinawag ding “pittance” ni Sen. Grace Poe ang P200 kada buwan na ayuda at sinabing hindi dapat magtipid ang gobyerno sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao.
Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na sana’y pag-isipan ulit ang panukalang pagsuspende sa excise tax, na sinasabing makapagpapababa ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Kung hindi man masuspinde ang buwis, sana’y taasan ang halaga ng buwanang ayuda, dagdag ng mambabatas. (Daris Jose)
-
Dahil sa karangalang ibinigay sa mga filipino at sa bansa: Malakanyang, nagpasalamat kay Pacquiao na opisyal nang namaalam sa boksing
NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao na opisyal nang namaalam sa larangan ng boksing. “Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumps as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]
-
Grupo ng mga guro, suportado ang hakbang ng DepEd na ihinto ang Best Implementers sa “Brigada Eskwela”
MALUGOD na tinanggap ng isang grupo ng mga guro sa buong bansa ang hakbang ng Department of Education na ihinto ang paggawad ng pinakamahusay na Brigada Eskwela implementers para sa school year na ito. Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sinusuportahan nito ang desisyon ng DepEd kasunod ng mga ulat ng […]
-
Ads October 22, 2021