• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibigay ng emergency use authorization ng FDA sa Sinopharm posibleng matapos na

Posibleng matapos na hanggang sa susunod na linggo ng Food and Drugs Administration (FDA) ang evaluation para sa emergency use authorization (EUA) application ng Sinopharm para sa kanilang COVID-19 vaccine.

 

 

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo sa ginanap na pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasalukuyan nilang pinag-aaralang mabuti ng mga vaccine experts panel ang nasabing datus ng Sinopharm.

 

 

Natapos na rin ang pakikipagpulong ng Sinopharm sa Department of Health (DOH) at FDA.

 

 

Magugunitang pinapapabalik ng pangulo ang nasabing mga bakuna sa China at humingi ito ng paumanhin matapos na magpaturok ng Sinopharm kahit wala pa itong EUA.

Other News
  • Ads February 25, 2023

  • Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics

    ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23.   Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]

  • Ads July 22, 2023