• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibigay ng financial assistance sa mga balo, ipinanukala

Inihain ni CIBAC Party-List Rep. Bro Eddie Villanueva ang House Bill 7795 o “Widower and Widow Financial Assistance Act” na naglalayong maglaan ng financial at counseling assistance sa mahihirap na biyudo o biyuda upang matulungan silang mabawasan man lang ang hirap at pasakit dala nang pagkawala ng isang mahal sa buhay na nagtataguyod sa pamilya.

 

 

“Death is an inherent certainty of life and the loss of a loved one, particularly a spouse, surely brings pain, anxiety, or sometimes ‘brain freeze’ in which the mind is deeply entangled in grief and unable to process things normally. Much more if the dead spouse is the sole breadwinner of the family, the financial loss due to the departure of the income earner aggravates the degree of grief and pain of the surviving spouse” ani Villanueva.

 

 

Kapag naging ganap na batas, ang mga balo (biyudo o biyuda) ay mabibigyan ng financial assistance at emotional support upang matulungan ang mga ito na maibsan ang kanilang pasakit.

 

 

Umaasa ang mambabatas na makakatulong ito kahit papaano sa mga balo at kanilang pamilya lalo na yaong mahihirap sa pagkawala ng isang mahal sa buhay.

 

 

Sa ilalim ng HB 7795, ang financial assistance na maaaring makuha ng indigent widower/widow ay katumbas ng prevailing minimum wage rate sa kanilang lugar sa loob ng tatlong buwan.

 

 

Ang nasabing tulong ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagpapakita ng residential at indigent certificate na ipinalabas ng barangay o local government unit bukod pa sa marriage certificate at death certificate ng yumaong asawa.  Nakalagay din dapat sa residential/indigent certificate ang sertipikasyon na nagsasama pa rin ang mag-asawa ng mamamatay ang asawa.

 

 

Nakamandato rin sa panukala ang pagbibigay ng social worker mula sa the barangay ng grief counseling upang matulungan ang balo na makalagpas sa dinaranas na pighati sa pagkawala ng asawa. (Ara Romero)

Other News
  • Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

    MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.     Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.     ”Well, I’m very happy to welcome you once again to […]

  • Naihatid na sa huling hantungan: Huling gabi ni JOVIT, nagmistulang concert dahil sa mga local bands

    INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang kauna-unahang grand champion ng ‘Pilipinas Got Talent’ na si Jovit Baldovino sa kanyang bayan sa Batangas, City. Nasa huling gabi nito ang tumatayong manager niya na si Jerry Telan at gayundin si Elena dela Vega hanggang sa libing ng mahusay na singer. Kaya na-witness nila ang mga parangal […]

  • Yorme Isko, binuksan ang parke sa Baseco Baywalk

    BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod Ng Maynila ang isang pasyalan na matatagpuan sa Baseco compound na tinawag na “Linear Park”na matatagpuan sa kahabaan ng Baseco Baywall.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang pagbu- bukas ng nasabing parke gayundin ang paglalagay ng mga pailaw at pagpapaganda ng kanilang lalakaran sa Baseco […]