• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibitiw sa tungkulin ni Sec. Avisado, tinanggap na ni Pangulong Duterte

TINANGGAP na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Department of Budget and Management (DBM) Sec. Wendel Avisado dahil sa “medical reason.”

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng Pangulo para pansamantalang humalili kay Sec. Avisado si Usec. Tina Rose Marie L. Canda bilang Officer-in-Charge ng Budget Department

 

Nauna rito, inanunsyo ng DBM na naka-medical leave si DBM Secretary Wendel E. Avisado simula Agosto 2 hanggang 13.

Ayon sa DBM, kasunod ito ng pag-positibo sa COVID-19 ng kalihim na 8 araw ding na-ospital at mahigit isang buwang na-quarantine.

 

Pinayuhan umano si Sec. Avisado ng kanyang doktor na sumailalim sa serye ng pagsusuri dahil na rin sa quadruple open heart bypass nito 14 taon na ang nakararaan. (Daris Jose)

Other News
  • ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA

    ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.     Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng […]

  • PDu30, inakusahan ang UP ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista

    INAKUSAHAN ni Pangulong  Rodrigo  Roa Duterte ang University of the Philippines (UP) ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay reaksyon sa panawagan na  academic strike ng mga estudyante ng  Ateneo de Manila University (ADMU).   “‘Yung mga eskwelahan, UP, fine. Maghinto kayo ng aral, […]

  • Sangley Airport maaatraso ang development

    Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa.       “We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future […]