• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGBILI NG BAGONG VCM, INIREKOMENDA

DAPAT nangĀ  umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumaganang VCM sa hinaharap.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na masyadong gumagana ang mga VCM sa mga bodega ng Comelec.

 

 

Sinabi pa ni Garcia na hindi na kailangan bumili pa ng machine dahil nagbabago ang teknolohiya kada anim na buwan.

 

 

Ipinaliwanag niya na ang pinaka-epektibo ay mag-arkila ng makina dahil hindi na kailangan pa ng warehouse at i-maintain bukod sa mas mura.

 

 

Bukod dito, sisiguraduhin aniya nang magpapaupa na bago ang makina.

 

 

Ayon kay Garcia, ang muling paggamit sa 90,000 VCMs na ginamit na sa nagdaang tatlong halalan ay magdudulot lamang ng kaparehong insidente ng malfunctioning sa nakalipas na 2022 polls na nagresulta ng pagkaantala ng pagboto sa ilang mga polling precinct at pagdagsa ng mga botante sa gitna ng pandemya.

 

 

“We believe, based on technical specifications, that if we are going to use these for the 2025 elections…iyong pinupukpok, nilalagyan ng electric fan para lumamig, iyong pahihintuin muna, iyong ia-adjust kasi di na kumakasya ang balota…these will all happen again in 2025,” sabi ni Garcia

 

 

Giit ng poll chief, hindi na makakabalik sa manual elections.

 

 

Dapat aniya ay computerized elections dahil hindi lang sa bilis kundi sa kredibilidad ng resulta.

 

 

Gayunman, sinabi ni Garcia na ang poll body ay gagabayan [a rin ng feedback mula sa mga mambabatas mula sa House of Representatives at sa Senado. (Gene Adsuara)

Other News
  • Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac

    Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.     Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.     Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna. […]

  • PH nag-protesta vs agresibong aktibidad ng China sa Scarborough Shoal

    Nag-protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa agresibong panghaharang ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga nagpa-patrolyang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.     Sa isang statement, sinabi ng ahensya na nangyari ang insidente sa gitna ng lehitimong maritime patrol at training exercise ng […]

  • Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan. Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. […]