• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party

NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.

 

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Jhon Carlo Arcebal, 25, delivery boy ng J Cenceo, Merville Subd. na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Renz Marlon Beniquid at PCpl Archie Beniasan, imbitado ang biktima sa birthday party ng kapatid ng suspek na si Mark Arcebal sa kanto ng J Cancio at R Diaz Sts.

 

Habang nag-iinuman alas- 12:15 ng gabi nang mauwi sa pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi malaman na dahilan kaya’t agad pumagitna si Mark saka inawat ang dalawa bago hinimok si De Guzman na umuwi na lamang.

 

Gayunman, sinundan ito ng suspek na armado ng patalim saka sinaksak sa likod bago tumakas habang isinugod naman ang biktima ng rumespondeng barangay tanod sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)

Other News
  • Zelensky, nakipag-usap kay Pope Francis tungkol sa Russia-Ukraine war

    NAKIPAG-USAP si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis via phone call hinggil sa nangyayaring digmaan ngayon sa kanilang bansa laban sa Russia.     Ibinahagi ni Zelensky sa kanyang address sa Italian Parliament na sinabi ng santo papa na naiintindihan nito ang hangad niya na kapayapaan at pakikipaglaban para sa mga sibilyan at kanyang […]

  • Planong pahiyain si BBM, totoo

    MAYROON diumanong sabwatan  para kutyain at  ipahiya si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang  dungisan ang reputasyon nito.     Tinukoy ni  dating Senate President Juan Ponce Enrile  ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at  Pilipinas  ang  sinasabing magkasabwat  upang gawan ng gulo si Marcos. […]

  • DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

    Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.       “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]