Pagbubukas ng 2 bagong LRT 2 Extension na estasyon pinagpaliban
- Published on June 25, 2021
- by @peoplesbalita
Ang pagbubukas ng dalawang (2) bagong Light Rail Transit (LRT) Line 2 Extension na estasyon ay pinagpaliban sa darating na buwan ng Hulyo.
Sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na gagawin ang inagurasyon ng estasyon ng Marikina at Antipolo sa darating na Hulyo 5 at magkakaron ng initial na operasyon sa Hulyo 6. Dapat sana ay noong nakaraang Hunyo 22, 2021 ang inagurasyon.
“We regret to inform the riding public that the opening of the four-kilometer LRT-2 East Extension project was postponed to give the contractor enough time to complete the signaling migration and integration works as well as other preparations,” wika ni LRTA administrator Reynaldo Berroya.
Ang signaling system ay importante sa operasyon ng railway upang masigurado ang ligtas at magandang takbo ng train, controlled speed, accurate platform position, safe distance sa pagitan ng mga trains at automatic stop sakaling may technical breakdown.
Nabalam ang pagdating ng mga technical experts na may kaalaman sa signaling system at iba pang integration activities ganon din ang pagsunod sa international safety standards dahil sa travel constraints na dala ng pandemya.
“We cannot compromise and risk the safety of the passengers so we recommended the postponement to the Department of Transportation, to which the DOTr concurred,” dagdag ni Berroya.
Ang 2 bagong estasyon ay ang karagdagang estasyon pagkatapos ng huling estasyon sa depot sa Pasig kung saan ito ay magtutuloy-tuloy na papuntang Masinag sa Antipolo. Kung kaya’t ang mga pasahero ay magkakaron na ng derechong paglalakbay mula Recto hanggang Masinag sa Antipolo.
Inaasahang ang travel time mula Recto papuntang Masinag sa Antipolo ay tatagal lamang ng 40 na minuto.
Sa pagbubukas ng proyektong ito ay inaasahang makapagsasakay pa ito ng karagdagang 80,000 na pasahero kung saan ang kabuohang ridership ay magiging 240,000 kada araw.
“Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line 2 East Extension will finally commence operations on 27 April 2021,” saad ng LRTA. (LASACMAR)
-
COVID-19, posibleng tumaas ngayong Amihan – DOH
POSIBLE umanong tumaas ang mga naitatalang kaso ng respiratory inspections sa bansa ngayong panahon na ng taglamig dahil sa Amihan, kabilang na rito ang ubo, sipon at maging COVID-19. Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang nagbigay ng naturang babala sa publiko . Ayon kay Herbosa, ang mga […]
-
PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]
-
Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021
MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19. Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung […]