• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3

IPINAGPALIBAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mu­ling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan.

 

 

Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang.

 

 

Paliwanag ng DENR, may ilang imprastraktura sa lugar na kailangan pa nilang tapusin.

 

 

Kinakailangan pa rin umanong magsagawa ng paglilinis sa lugar, partikular na sa bahaging malapit sa US Embassy.

 

 

Nais din umanong matiyak ng DENR ang kalinisan at kaligtasan ng tubig ng Manila Bay bago ito muling buksan sa publiko.

 

 

Matatandaang ang naturang dolomite beach ay unang binuksan sa publiko noong Setyembre 2020.

Other News
  • House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

    Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.   Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi […]

  • Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton

    TULUYAN  nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod.     Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]

  • Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez

    “Public interest is higher than personal interest,”     Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19.     Ipinanukala kasi  ng pribadong […]