• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGBUBUKAS NG MANILA NORTH CEMETERY, INILATAG NA

PINAGHAHANDAAN na ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na paggunita ng “Undas” .

 

 

Ayon kay Roselle Castaneda, hepe ng MNC, batay sa kanilang inilatag na kalendaryo, simula bukas Oktubre 1 hanggang Oktubre 25 ay bukas ang MNC mula alas 5 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon para sa mga maglilinis o magpopintura ng mga puntod ng kanilang Mahal sa buhay.

 

 

Hanggang Okt.28 naman papayagan ang libing at cremation upang bigyan daan ang pagdagsa naman ng tao na magtutungo sa sementeryo  sa Undas.

 

 

Ayon kay Castañeda bubuksan sa publiko ang MNC mula Okt.29 hanggang  Nov 2, ganap na alas 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

 

Gayunman, mahigpit na paalala ni Castañeda na bawal ang “overnight” sa sementaryo tulad ng kinagawian.

 

 

Paalala pa ni Castañeda, ang mga binisita sa MNC  mula Okt. 29 hanggang Nov. 2 ay dapat “fully vaccinated” o ganap nang bakunado na kontra COVID-19 at may booster shot dahil may banta pa rin ng virus.

 

 

Papayagan ding makapasok ang mga  senior citizen, pero bukod tanging bawal ay mga batang 12-anyos pababa.

 

 

Obligado rin ang lahat na magsuot ng face mask, kahit sabihing nasa labas.

 

 

Sinabi ni Castañeda na mainam na rin na maagang mag-anunsyo para alam ng publiko ang mga detalye ng Undas 2022.

 

 

Kinumpirma rin ng opisyal  na bawal ang mga vendor sa loob ng sementeryo, maliban sa mangilan-ngilang nagbebenta ng bulaklak.

 

 

Maalala na noong pumutok ang COVID-19 pandemic, isinara ang mga sementeryo sa panahon ng Undas, bilang pag-iingat. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads January 26, 2024

  • NAVOTAS YOUTH CAMP, INILUNSAD

    ISINAGAWA ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary.         Nasa 477 Navoteño na may edad 10–19 ang nagsanay sa iba’t ibang sports habang […]

  • RABIYA, nambulabog na naman sa pinost na maiksing buhok at may nag-akalang si ‘Liza Soberano’

    NAGING usap-usapan nga noong Lunes sa social media ang pinost ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kung saan nag-selfie na may maiksing buhok na ayon sa netizens ay bumagay naman sa kanya.     Ginulat nga ni Rabiya ang kanyang 1.7 million IG followers, marami nga ang biglang naniniwala at napa-wow sa kanyang […]