Pagbubuwis sa luxury items, bahagi ng tax reform-NEDA
- Published on January 19, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGI ng tax reform program ng pamahalaan ang pagbubuwis sa mga luxury items.
“This is still part of making the tax system simpler,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.
Sa ulat, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na pinag-aaralan na ng kanyang komite na patawan ng mas malaking buwis ang mga luxury goods sa harap ng panawagan na dagdagan ang kinukolekta sa mga mayayaman.
Sinabi ni Salceda, na siyang chairman ng House committee on ways and means na ito’y sa harap naman ng panawagan ng Oxfam International na patawan ng mas malaking buwis ang mga “super-rich” sa bansa.
“The committee is particularly studying taxing wristwatches, bags, and other leather items above P50,000, private jets, luxury cars above P5 million, the sale of residential properties above P100 million, beverages above P20,000 per bottle, traded paintings above P100,000, among other items,” sabi ni Salceda.
Nauna nang sinabi ng Oxfam ang inequality na nararanasan sa Pilipinas kung saan mas malaki pa ang yaman ng siyam na pinakamayayamang Pinoy kumpara sa pinagsamang yaman ng kalahati ng populasyon ng bansa na aabot sa P55 milyong piso.
Sinabi ni Edillon na ang pagbubuwis sa luxury goods ay “theoretically”, isang buwis sa mga mayayaman.
“So maganda na rin ito para makatulong sa pagkuha ng revenue. It’s also a way for the more fortunate ones na makatulong,” anito.
Gayunman, sinabi ni Edillo na ang “good governance” ang dapat na sukli o kapalit para sa “mas mataas at bagong buwis.”
“[Dapat] napupunta sa maayos na proyekto na pang-development and poverty reduction,” ayon kay Edillon. (Daris Jose)
-
“Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.” […]
-
Mag-live-in partner tiklo sa P374K shabu sa Valenzuela
SHOOT sa kulungan ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Jefferson Borbe alyas “Asyong”, […]
-
KRIS, nag-warning sa mga detractors na patuloy na nambu-bully kina JOSHUA at BIMBY
NAGBIGAY ng warning si Queen of All Media Kris Aquino sa mga detractors niya na kung kinaladkad ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at patuloy na binu-bully online. Last Sunday, March 7, nag-post si Kris sa kanyang saloobin sa Instagram account in five parts. Una rito sinabi niya na, […]