• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344.

 

 

Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang na ang iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, na buuin ang isang inter-agency task force, na siyang magiging responsable sa paghahanap at pagliligtas ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa aksidente sa karagatan, at iba pang mga sakuna na naganap sa karagatang sakop ng Pilipinas, at dayuhang karagatan.

 

 

Magiging tungkulin din ng task force ang pagsisiyasat sa mga nawawalang marino habang sakay ng kanilang mga barko, at tiyakin na ang mga nabubuhay na pamilya ng nawala o nasawing marino, ay makatatanggap ng naaangkop na ayuda mula sa pamahalaan at seguro mula sa kanilang pinagtatrabahuhan.

 

 

Samantala, pinagtibay ng komite ang HR 1152, na nananawagan ng kagyat na ratipikasyon ng gobyerno ng Pilipinas, sa International Labor Organization (ILO) Convention No. 188, o ang Work in Fishing Convention, 2007.

 

 

Ang ILO Convention 188 ay nagbibigay ng umiiral na rekisitos, upang tugunan ang mga pangunahing usapin sa mga trabaho sa mga barkong pangisda, kabilang na ang kaligtasan sa trabaho, pangangalaga sa kalusugan ng mga manggagawa sa karagatan at dalampasigan, pagpapahinga, kasulatan o kontrata sa trabaho, at parehong proteksyon sa social security tulad ng ibang manggagawa o marino.

 

 

Pinagtibasy ang ILO Convention 188 ng General Conference of ILO noong Hunyo 14, 2007, at ipinatupad noong Nobyembre 16, 2017.

 

 

Bumuo din ang komite ng isang technical working group, na hihimay sa mga usapin at mga mungkahi, kabilang na ang pagsasa-ayos ng House Bill 6779 na magpapatupad ng serbisyo sa sapilitang pagbabakuna sa mga Overseas Filipino workers (OFWs), at mga kaparusahan sa mga paglabag sa batas.    (ARA ROMERO)

Other News
  • Mandatory evacuation ng mga Filipino sa Ukraine ipinag-utos – DFA

    IPINAG-UTOS ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandatory evacuation sa mga Filipino na nasa Ukraine.     Ayon sa DFA na nagiging malala na ang sitwasyon sa Ukraine mahigit isang linggo ng atakihin sila ng Russia.     Itinaas na rin sa Alert Level 4 ng DFA ang nasabing crisis level sa nasabing bansa. […]

  • MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU

    TUMULAK pa sa  Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City.   Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan […]

  • Williams hahakot ng 3 tropeo sa PBAPC Awards Night

    IGAGAWAD kay Season 46 Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT Tropang Giga ang tatlong tropeo sa 2022 PBA Press Corps Awards Night sa Hun­yo 21 sa Novotel Manila Araneta Center.     Pamumunuan ng Fil-Am guard ang All-Rookie team kasama sina Jamie Malonzo (NorthPort), Calvin Oftana (NLEX), Leonard Santillan (Rain or Shine) at […]