• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Badyet ng NTF-ELCAC katumbas ng 38M relief packs

NANINIWALA si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malaki ang maitutulong sa realignment o paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa relief operations para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Rolly.

 

Kung ililipat umano ang P19.1 bilyong badyet na hinihingi ng NTF-ELCAC at gamitin ito pambili ng relief packs ay makakagawa aniya ito ng nasa 38.2 milyong packs para sa mahigit dalawang milyong katao na naapektuhan ng bagyo.

 

Ayon sa mambabatas, ang relief packs ay maglalaman ng nasa 8 kilo ng bigas, 10 de lata, 5 sachets ng 3 in 1 coffee at 5 sachets ng powdered cereal drink at iba pa.

 

“Our people, especially in the Bicol region, are so devastated that it would take months and even years for them to recover. If realigned, funds from the NTF- ELCAC can also be used to build the houses and infrastructure for our affected brethen,” anang mambabatas.

 

Muli itong nanawagan sa senado na alisan ng pondo ang NTF-ELCAC at ilipat ito bilang pondo para itulong sa sinalanta ng bagyo. (Ara Romero)

Other News
  • Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha

    KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.   Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.   Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House […]

  • Pinas, ipinaabot ang imbitasyon sa Japan na sumali sa Balikatan 2025

    IPINAABOT ng Pilipinas ang imbitasyon nito sa Japan na magpartisipa sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng mga military ng Pilipinas at Estados Unidos.     Sinabi ni Col Michael Logico, tagapagsalita para sa 2024 Balikatan Exercises, na nagpahayag ng interest ang Japan na sumali sa annual joint exercises mula pa […]

  • Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’

    Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas.     Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan.     Kung maalala una nang naasar […]