Pagdami ng miyembro ng Pag- Ibig, indikasyon na maraming mga Pinoy ang nais na magkaroon ng sariling tahanan -PBBM
- Published on April 22, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagdami ngayon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund Ngayon.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ito’y isang indikasyon na sadyang maraming mga Filipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay.
Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang problema ukol sa kakulangan sa bahay ng mga Pilipino.
Sa kabilang dako, sa harap nito’y binigyang diin ng Chief Executive na palalawakin pa ang proyektong pabahay ng kanyang administrasyon at marami pa siyang pupuntahang mga lugar sa bansa.
Aniya, ito’y ipatutupad sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa gitna ng target na makapag tayo Ng anim na milyong Bahay sa kanyang termino. (Daris Jose)
-
5 lumabag sa curfew sa Caloocan, nahulihan ng shabu
Kulong ang limang indibidwal kabilang ang dalawang ginang na nahuli dahil sa paglabag sa curfew matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan city. Dakong 1:50 ng madaling araw, nagsasagawa ng “Oplan-Galugad” sa Warayan Street, Minamonte Heights, Barangay 180 ang mga pulis nang mamataan nila sina Marco Nazul, 52, construction worker […]
-
“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa […]
-
State of calamity sa COVID-19, palawigin – DOH
KAILANGANG mapalawig ang state of calamity sa COVID-19 para maipagpatuloy ang pandemic response sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hihingi sila ng extension ng state of calamity ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan, kung hindi maisasabatas ang Center for Disease Control […]