PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi.
Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte ang mga naiwang pinagpilian – napakaraming FB accounts ang laganap ngayon na tumatanggap ng booking na mga colorum na TNVS, hindi lang yung mga hindi pinayagan kundi pati na rin yung mga nais mag TNVS pero hindi nakapag-apply.
Instant kumpetensya ang mga ito sa mga TNVS na accredited ng app-based TNCs at ng mga lehitimong taxi drivers. Para sa amin sa Lawyers for Commutes Safety and Protection (LCSP),mapanganib sa driver at maging sa pasahero ang FB booking ng mga colorum na TNVS.
Hindi nga natin dapat tawaging TNVS ang mga ito kung hindi naman sila accredited ng TNC dahil mga simpleng ‘car-for-hire’ lang sila. Kamakailan ay may malagim na pangyayari sa isang babaeng driver na sa FB booking kumukuha ng pasahero.
Kailangan marahil ay tingnan na ito ng mga awtoridad bago pa lumala ang sitwasyon. Una ay ano nga ba ang basehan ng pagpili sa pinayagang pumasada kontra sa mga hindi pinayagan. Tambiolo ba ginamit o palakasan system na naman?
Dapat maipaliwanag ito. Kung nais nila ay limitahan ang mga TNVS sa panahon ng pandemya ay mukhang hindi nga nangyari dahil ang naging resulta ay mas pagdami pa ng colorum na car-for-hire sa pamamagitan nga ng FB bookings – walang nabawas na sasakyan sa lansangan.
Marahil tulad ng ibang sektor ng transportasyon dapat na rin payagan bumyahe ang mga lehitimong TNVS dahil may prangkisa naman sila. Kailangan na rin tingnan kung mainam na magbukas na rin ng TNVS sa ibang lugar na wala pa o dating meron pero ipinatigil. Tulad sa Bacolod na hindi pinarenew ng LTFRB ang mga TNVS doon – ang resulta, colorum operation. Option din ito na hanapbuhay para sa mga umuwing OFWs nating kababayan at sa mga nag-avail ng ‘balik-probinsya’ program ng pamahalaan.
Dapat may hanapbuhay sa probinsiya dahil kapag wala balik Maynila rin sila at magiging palso ang programa. Sa ngayon na hirap ang tao sa transportasyon ay didiskarte at didiskarte sila upang makabyahe at kumita para sa pamilya. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte
Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]
-
Pacman at pamilya, ‘home sweet home’ na pero 2-week quarantine muna sa resort
Nakauwi na sa Lungsod ng Heneral Santos si Senator Manny Pacquiao kasama ang buong pamilya nito. Mapapansing nakasuot ng face shield at naka-surgical gloves ang mag-asawang Pacquiao pati ang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao. Nang lumapag ang eroplano ay […]
-
Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax
NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’ Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa […]