Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.
Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro ng $84,765 (P4M) cash prize at puwesto upang makalahok sa mayamang $5.5M 75th U.S. Women’s Open 2020 sa Houston, Texas, US pa rin na inatrsado lang ng Covid-19 sa Disyembre 10-13, dating nakatakda ang torneo noong Hunyo.
Gayundin pinagkalooban ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) ng slot din para sa $1.3M Drive On Championship- Reynolds Lake Oconee sa Okt. 22-25 (Okt. 23-26 sa Pilipinas) sa Greensboro, Georgia sa Amerika pa rin.
Umangat sa rekord na 478 baitang ang ranking ng Pinay golf star sa sa world women’s golf ranking, buhat sa 712th patungong 234th.
Siya na ang No. 2 female player ng ‘Pinas, pinalitan si Dottie Ardina sa world at Olympic rankings. Nakaentra si Pagdanganan sa No. 47 spot sa latest Olympic rating kung saan top 60 mga lalaro para sa 32nd Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Agosto 6-9.
Napunta si Aridna sa world No. 312 sa Olympic No. 54 bilang pangatlong pro golfer ng bansa.
Ang Fil-Japanese na sinilang sa San Ildefondo, Bulacan at newbie si Yuka Saso, 19 ang nangunguna pa rin sa sa bisa ng dalawang korona sa LPGA Tour of Japan.
World No. 74 at nasa top 30 sa Olympic race ang dalagang nakabase sa ngayon sa Tokyo, Japan kung saan naroon ang mga kapatid sa amang Hapones at inang Pinay.
Dalangin ng OD na may dalawa nga tayong magiong pambato sa susunod na taong Olympics upang mas Malaki ang tsansa nating matapos na ang tagtuyot sa medalyang ginto sapul pa noong 1924 sa Paris Games. (REC)
-
Mayor sa Ukraine at pamilya nito, natagpuang patay at nakatali pa ang mga kamay
NATAGPUAN ng mga awtoridad sa Ukraine ang katawan ng limang sibilyan kabilang ang Mayor at asawa’t anak nito na nakatali pa ang mga kamay sa isang village sa west ng Kyiv. Ayon sa awtoridad, ang apat na narekober na katawan kabilang ang alkalde ay bahagyang nakabaon sa lupa sa isang kagubatan malapit sa […]
-
Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’
NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas. Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE […]
-
Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad
MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod. Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na […]