• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdating sa Pinas ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Covid -19, maaaring ma-delay

SINABI ng Malakanyang na maaaring ma-delay ang pagdating sa bansa ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac dahil sa kawalan pa rin ng Emergency Use Authorization (EUA) nito.

 

Inaasahan kasing darating sa bansa ang nasabing bakuna sa Pebrero 23.

 

“Kapag hindi po lumabas ang EUA, baka maantala rin ang pagdating ng 600,000 ng Sinovac,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Ang EUA na ipalalabas ng Food and Drug Administration (FDA), ay kailangan upang legal na mapangasiwaan ang bakuna sa Pilipinas.

 

“Nais rin muna nating makuha itong EUA para po kapag dumating [ang vaccine], magagamit agad,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Magkagayon pa man ayon kay Sec. Roque, ang 5.5 million doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility ay inaasahan na maide-deliver sa bansa sa loob pa rin ng buwang kasalukuyan.

 

Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr na ang pagde-deliver ng bakuna mula sa World Health Organization (WHO)-led COVAX Facility ay made-delay ng isang linggo bunsod ng kawalan ng indemnification law sa bansa.

 

Sinabi ni Galvez sa Senado na ang bansa ay maaaring makatanggap ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine kung ang PIlipinas ay mayroong indemnification law.

 

Samantala, ang FDA ng Pilipinas ay nagpalabas lamang ng EUA sa dalawang COVID-19 vaccine brands gaya ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca, kung saan ay nakitaan ng 70% hanggang 95% effective, para maiwasan ang COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU

    NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang  centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.     Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola […]

  • May milagro kay Black

    NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.   “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]

  • Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations

    BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]