• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagdeklarang Nat’l Shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila LGU

IPINAHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang pagdeklara sa Quiapo Church bilang National Shrine of Jesus Nazareno ay magiging malaking tulong sa matinding debosyon ng mga Katolikong Pilipino partikular na sa mga Manilenyo.
Ayon kay Lacuna-Pangan, ang Quiapo Church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ay matagal nang iginagalang bilang dambana ng mga lokal at dayuhang Katoliko, bago pa man ang ginanap na deklarasyon nito.
Isang misa ang ginanap noong Lunes, Enero 29 upang pormal na italaga ang Quiapo Church bilang isang pambansang dambana.
Sinabi ng alkalde na ang pag-angat ng Quiapo Church mula sa dating katayuan nito bilang isang archdiocesan shrine tungo sa isang national shrine ay magiging malaking tulong sa matinding
debosyon ng lungsod gayundin sa turismo.
Ayon sa alkalde, inaasahan nila na mas maraming tao ang maaakit sa napakasikat na Quiapo Church, na lumikha ng malaking relihiyoso at kultural na epekto sa buong bansa, lalo na sa panahon ng pagdaraos ng taunang Traslacion.
Kilala bilang kanonikong Parokya ni San Juan Bautista, ang Quiapo Church ay kinilala ni Pope John Paul II noong 1987 bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa epekto nito sa kultura sa pagiging relihiyoso ng mga Pilipino noong 1987.
Naging tanyag ito sa buong mundo dahil sa pag-akit ng milyun-milyong deboto sa Traslacion tuwing Enero 9 bilang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ang pambansang dambana ay isang Simbahang Katoliko o isang sagradong lugar na nakatugon sa ilang mga kinakailangan at binibigyan ng karangalan ng pambansang kumperensya ng mga obispo bilang pagkilala sa espesyal na kultura, kasaysayan, at relihiyosong kahalagahan ng simbahan.  (Leslie Alinsunurin)
Other News
  • Pagbibigay ng free legal aid sa uniformed personnel, magpapalakas sa morale, productivity ng law enforcers

    ANG  pagbibigay ng libreng legal assistance na naakaharap sa kaso na may kaugnayan sa kanyang tungkulin ay makakatulong para mapalakas ang morale at productivity ng mga unipormadong personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies.     Ayon kay Davao City Rep. Paolo Duterte, ang […]

  • Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez

    Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully […]

  • Launching ni BEA bilang Calendar Girl, mabilis na nag-trending sa socmed; tinanggihan noong unang i-offer

    MABILIS na nag-trending sa social media ang launching ng Kapuso actress na si Bea Alonzo as the new Tanduay Calendar Girl for 2022.        Sa interview kay Bea, hindi pala first time na nag-offer sa kanya ang produkto na maging calendar girl nila, pero hindi niya tinanggap dahil parang hindi pa iyon ang […]