Pagdinig ng HCGG panel sa ‘confi funds’ ‘in aid of legislation’ pinalawig pa
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
PINALAWIG pa ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pagtalakay sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.
Ito’y matapos nag mosyon si Congressman Romeo Acop na i-extend ang naturang hearing ‘in aid of legislation’ na agad namang naaprubahan ng komite.
Hindi pa matukoy kung kailan matatapos ang nasabing pagdinig kung saan tinatalakay ang maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Sa opening statement binigyang-diin ni House panel chairman Congressman Joel Chua kung bakit isinasagawa ang pagdinig.
Aniya, ito ay para malaman kung saan at paano maaaring samantalahin ang confidential funds, anong mga ahensiya ang karapat-dapat pagkalooban nito, at ano ang dapat ilagay para maiwasan ang pang-aabuso at maprotektahan ang pondo ng taumbayan.
President Sara Duterte na siya ring Education Secretary noon, at ang special disbursement officer ng DepEd at OVP na sina Edward Fajarda at Gina Acosta.
Sabi ni Chua, sa kabuuan nasa higit P612 million pesos ang halaga ng confidential funds na nagastos sa ilalim ng dalawang ahensiya.
No show pa rin ang pitong opisyal ng OVP na nauna nang ipina-subpoena ng komite dahil hindi anila ‘in aid of legislation’ ang isinasagawang pagdinig.
Sa liham na isinumite sa kamara, sinabi ng mga opiysal na dapat isama sa imbitasyon ang draft bill para sa impormasyon ng resource person.
Sinabi naman ng ilang opisyal ng OVP na hindi nila natanggap ang subpoena mula sa Kamara. (Daris Jose)
-
Mylah Roque nasa Singapore
NASA Singapore si Mylah Roque, misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para magpa-checkup sa karamdaman nito sa nasabing bansa. Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules ni Quad Comm Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers base sa report at rekord ng Bureau of Immigration (BI). “I cannot judge […]
-
Mikey Garcia, tiwalang uunahin muna siya ni Pacquiao na labanan bago kay McGregor
NANINIWALA si four-division champion Mikey Garcia na uunahin siya munang kalabanin ni Manny Pacquiao bago kay UFC star Conor McGregor. Isa kasi ang American boxer na tinukoy ni coach Freddie Roach na potensiyal na makakalaban ng fighting senator. Ayon kay Garcia na 100 porsiyento itong naniniwala na makakaharap siya ni Pacquiao bago ang […]
-
Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program
Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program. Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement […]