• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106

INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.

 

Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

 

Nakapaloob sa EO 106 na iniulat ng Department of Health (DOH) na ang paggamit at pagkakalanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vapes ay nagdu-dulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular diseases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.

 

Kaugnay nito, imbes na “No Smoking Zone” ang ipapaskil na babala, gagawin na itong “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone.” Habang “Designated Smoking/Vaping Area” (DSVA) ang mga lugar sa isang gusali na itatalagang puwedeng mag-yosi o mag-vape.

 

Dapat ding iisa lamang ang DSVA sa isang gusali at dapat sarado ito upang hindi maka-kalabas ang usok sa open air.
“Non-Smoking/Vaping Buffer Zone” (Buffer Zone) is a ventilated area between the door of a DSVA not located in an open space and the smoke/vape-free area. There shall be no opening that will allow air to escape from such Non-Smoking/Vaping Buffer Zone to the smoke/vape-free area, except for a single door equipped with an automatic door closer. Such door is distinct from the door of the DSVA, which shall be at least two (2) meters away from the other,” bahagi ng EO 26.

 

Samantala, kung dati ay mula 18-anyos lamang ang puwedeng bumili o bentahan ng sigarilyo, itinaas na ito sa edad na 21.

 

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 106 nitong Pebrero 26 at epektibo sa loob ng 15 makalipas ang publikasyon sa pahayagang may national circulation.

 

Inaatasan ng EO 106 ang Food and Drugs Administration (FDA) na bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang EO.

Other News
  • Three ‘Filipino BL Series’ Now Streaming on WeTV and iFlix

    HERE are three new Pinoy BL series that remind us that love can be found when and where you can least expect it – and you can watch them for free on WeTV and iflix.   QUARANTHINGS: THE SERIES (2020) CAST: Royce Cabrera, Kyo Quijano DIRECTOR: Pancho Maniquis   Quaranthings: The Series follows the friendship of two boys, […]

  • Kevin Durant at Kyrie Irving ng Nets itsapuwera sa Christmas Day games ng NBA

    UMANI ng atensiyon sa ilang basketball analysts at fans ang pag-itsapuwera ng NBA na mapasali sa prestihiyosong Christmas Day games ang mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.     Una nang naglabas ng advance schedule ang NBA para sa Christmas Day na kinabibilangan ng mga sumusunod:   Milwaukee Bucks versus Boston Celtics […]

  • CBCP naglabas nang panuntunan para sa Ash Wednesday

    Naglabas ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ng panuntunan para sa obserbasyon ng Ash Wednesday ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.     Ilan sa mga ito ay gagamit na lamang ang simbahan ng mga natuyong sanga at dahon ng mga halaman at mga puno dahil hirap ang mga simbahan na makakuha ng mga […]