Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant
- Published on December 28, 2021
- by @peoplesbalita
Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.
Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas ay malaking tulong aniya ito para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag munang itapon ang mga face shields dahil ito ay magagamit bilang doble proteksyon.
“Continue using it I advise you,” ani Pres. Duterte. “I really firmly believe that the wearing of face shield has contributed a lot.”
Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay tinanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng face shield matapos ang tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“It might be not really a well-studied proposition but I would dare say that the shield will add another layer of protection,” giit pa ng pangulo.
-
Ads August 17, 2020
-
Pinoy karateka James delos Santos muling nakakuha ng gintong medalya
Nagwagi ng gintong medalya si Filipino karateka James delos Santos sa Okinawa E-Tournament World Series. Ito na ang pang-36th gold medal na kaniyang nakuha ngayong taon kapantay ang bilang din na kaniyang nakamit noong 2020. Sinabi nito na naging malaking hamon sa kaniyang na matapatan ang nakuha nitong medalya noong nakaraang […]
-
Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara
MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees. Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15. Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan […]