Paggamit ng QR code sa mga palengke at pagbabayad ng pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa, pinag- aaralan-PCO
- Published on April 14, 2023
- by @peoplesbalita
MASUSING pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang hangarin ng gobyerno na ipatupad ang cashless na pagbabayad sa mga palengke at pamasahe sa mga traysikel sa buong bansa.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ito’y sa pamamagitan ng Quick Response o QR code.
Ayon sa PCO, makakatuwang ng gobyerno sa inisyatibang ito na tiniguriang “Paleng-QR Ph Plus” ang Land Bank of the Philippines.
Sakop din ng ginagawa ngayong pag- aaral ang ipatupad na din ang cashless payment sa mga local transport drivers.
Ang nasabing hakbang ay inisyatiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior and Local Government (DILG) na target na ipatupad sa buong bansa.
Sinasabing Agosto 2022 , inisyal na inilunsad ang programa sa mga piling palengke sa mga pangunahing siyudad at bayan na ngayon ay plano ng ipatupad sa buong Pilipinas. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nakaabang sa IATF approval
MINAMADALI na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga requirements upang mabilis na makuha ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng Gilas Pilipinas. Gahol na sa oras ang Gilas Pilipinas dahil halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Nobyembre. […]
-
3 Pinoy sugatan matapos pinakamalakas na lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon
UMABOT na sa tatlong Pilipino ang sugatan kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules, bagay na pumatay na sa siyam na katao at naka-injure sa mahigit 1,000 iba pa. Ito ang ibinahagi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Silvestre Bello III sa panayam ng ANC ngayong Huwebes. Ang MECO ang […]
-
De Lima pinayagan nang magpiyansa
PINAYAGAN na ng Muntinlupa regional trial court na makapagpiyansa sa halagang P300,000 ayon sa korte si dating senadora Leila de Lima matapos ang halos pitong taong pagkakakulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga. Sa pagdinig nitong Lunes, Nobyembre 13, 2023 sa natitirang kasong may kaugnayan sa droga, pinayagan ni Judge Gener […]