Pagganap bilang isang mapanlinlang na pari, pinaghandaan… JOSEF, pinatutunayan na karapat-dapat na maging Vivamax Leading Man
- Published on August 4, 2022
- by @peoplesbalita
ISA na namang Vivamax Original Movie mula kay Direk GB Sampedro ang muling maninindak simula ngayong August 5, 2022, ang ‘Purificacion’ na isang sexy thriller.
Pinagbibidahan ito nina Cara Gonzales at Josef Elizalde.
Isa sa Vivamax favorite si Cara, na nakipagsabayan sa pag-arte nina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa ‘Ikaw Lang ang Mahal’ directed by Richard Somes.
Napanood din siya sa ibang mga Vivamax Original Movies gaya ng ‘#Pornstar 2: Ang Pangalawang Putok’, ‘Palitan’ at ‘The Wife’. Pinatutunayan naman ni Josef na karapat-dapat siyang maging Vivamax Leading Man dahil sa mga naging pagganap niya sa mga Vivamax Original movies gaya ng ‘Doblado’ at ‘X-deal 2’.
Ang ‘Purificacion’ nga ang ikatlo niyang pelikula na pinagbibidahan na kung gumaganap siya bilang mapanlinlang na pari na tiyak na pag-uusapan at baka hindi magustuhan ng mga moralista.
Ayon kay Josef, nag-watch siya ng mga movies na may character ng priest, bilang paghahanda at para mabigyan ng hustisya ang ang kanyang pagganap.
Sabi pa ni Josef, “I watched movies including involving mga priest like Angels & Demons.
“Ginaya ko lang yung nuances nila, how they talk. I read the book, Angels & Demons before but that was a long time ago.”
Ayon pa sa kanya, mas mabuting panoorin muna ang movie nila, bago sila husgahan.
Samantala, natapos din ni Josef ang taping ng isang adult drama series sa direksyon ni McArthur C. Alejandre – ‘Wag Mong Agawin ang Akin’.
Makakasama rin dito ang mga paboritong Vivamax Crushes na sina Ava Mendez (Ang Babaeng Nawawala sa Sarili), Rob Guinto (X Deal 2), Kat Dovey (Virgin Forest), Stephanie Raz (Larawan) at Quinn Carrillo (Biyak) na siguradong magpapainit at magbibigay ng kakaibang timpla sa horror-thriller na ito.
Mula sa multi-awarded director na si GB Sampedro, na patuloy ang paggawa ng original content para sa Vivamax gaya ng mga pelikulang ‘Kaka’, ‘Crush Kong Curly’, ‘Kinsenas Katapusan’ at ‘Doblado’, at ang Vivamax Original Series na ‘High (School) On Sex’.
Iikot ang kuwento sa isang liblib na baryo ng Santa Monica, naging malapit na sa puso ng mga tao ang pari na si Fr. Ricardo Purficacion (Josef Elizalde). Hinahangaan dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan, role model para sa marami si Fr. Ricardo. Pero sa likod ng maamo nitong mukha at mabuting pagkatao ay ang madilim niyang sikreto.
Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara Gonzales) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Hihingi pa ito ng tulong kay Fr. Ricardo, sa paniniwalang may magandang reputasyon ang pari at malaki ang maitutulong nito sa kaso.
Mapapaikot ni Fr. Ricardo si Gabriela at ililigaw ang direksyon ng imbestigasyon, hindi rin mamamalayan ni Gabriela na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pari. Malulutas pa kaya ni Gabriela ang kaso at maibubunyag ang katotohanan? O patuloy na siyang mahuhulog sa mapanlinlang na pari?
Humingi ng tawad, magsisi, at magdasal. Nawa’y ang iyong ikukumpisal ay hindi maging dahilan ng iyong katapusan.
Mapapanood na ang ‘Purificacion’ sa Vivamax ngayong August 5, 2022.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
Mapapanood na rin ang ‘Purificacion’ sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.
Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America. Vivamax, atin ‘to!
(ROHN ROMULO)
-
NBA at Irving todo abang sa magiging anunsiyo ng New York na pagtanggal sa vax mandate
TODO ABANG na ngayon ang NBA lalo na ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kaugnay sa magiging anunsiyo bukas ng lokal na pamahalaan ng New York na papayagan na ring maglaro ang hindi mga bakunadong players laban sa COVID-19. Ang naturang pagluluwag sa restrictions sa mga unvaccinated ay idedeklara ni New […]
-
Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM
MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang. Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary. ”Well, I’m very happy to welcome you once again to […]
-
Mga taga- NCR dumagsa sa mga pampublikong pasyalan at mall, parang nakawala sa hawla –MMDA
ITINURING ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. ang mga tao sa National Capital Region (NCR) na parang nakawala sa hawla sa unang linggo ng alert level 3 sa Metro Manila. Dumagsa kasi ang mga tao sa ilang pampublikong lugar at mga pasyalan gaya sa Manila bay. Ani Abalos, nalito […]