• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban

Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.

 

 

Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya.

 

 

“I still have to talk about when and where  the bestowal of the insignia  be with the Nuncio who is now in Tarlac. I was able to inform Msgr (Julien) Kabore about the cancelation,” pahayag ni Cardinal Advincula.

 

 

Unang itinakda sa June 8 ang bestowal ng red hat at singsing ng Cardinal makaraang sumailalim sa 14 day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown nang makabalik sa bansa mula New York City.

 

 

Sa kasalukuyang tala ng Capiz Provincial Health Office umabot na sa mahigit tatlong libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

 

 

Nasa 21-libo naman ang nabakunahan laban sa virus kabilang na si Cardinal Advincula o katumbas sa apat na porsyento sa kabuuang target na mahigit kalahating milyong mamamayan sa lalawigan.

 

 

Itinakda ang installation ni Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila sa ika-24 ng Hunyo 2021.

Other News
  • Mare-renew ang kontrata kahit kakapirma pa lang: KIM, happy na kasama si PAULO at ipatitikim ang bagong ini-endorse

    GINANAP ang isang malaking launch ng Brilliant Skin Essentials sa The Blue Leaf Cosmopolitan noong June 2, 2024 para ipagdiwang ang ilang mahahalagang milestones ng brand. Una rito ang grand launch ng pinakabagong produkto na Hello Melo Drink, na kung saan ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu ang pinakabagong endorser, kasama ang contract signings […]

  • ‘Executive Sec. Rodriguez, bumaba na sa puwesto’

    KINUMPIRMA  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumaba na sa puwesto bilang Executive Secretary si Atty. Victor Rodriguez.     “I confirm that Atty Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” wika ni Angeles.     Inilabas ng Malacanang ang pahayag, kasunod ng mga espikulasyon ukol sa sitwasyon ni Rodriguez sa gabinete.     […]

  • 2 BATA NASAWI SA SUNOG SA CALOOCAN

    Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos ma-trap nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa […]