• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghahain ng kasong kriminal at administratibo laban kay dating Napolcom commissioner Leonardo, susuportahan ng Malakanyang

SUSUPORTAHAN ng Palasyo ng Malakanyang ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo laban kay dating National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo.

 

Si Leonardo ay isinasangkot sa pagpaslang kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga.

 

”The Palace will support the filing but will leave the decision to file entirely to the (Department of Justice) or Ombudsman,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang kalatas.

 

Sa ulat, hinikayat ni Quad Committee Chairman Robert Ace Barbers ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong murder sa lalong madaling panahon sina ret. P/Colonels Royina Garma at NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo kaugnay ng ambush-slay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong 2020.

 

Kaugnay ito sa testimonya ni P/Col Santie Mendoza ng PNP-Drug Enforcement Group at impormante nito na si Nelson Mariano na humarap sa pagdinig ng komite noong Setyembre 27 na plinano umano nina Garma at Leonardo ang pagpatay kay Barayuga.

 

Sa naturang pagdinig, sinabi ni Mendoza na kinontak siya ni Leonardo noong Oktubre 2019, sa utos umano ni Garma, upang ipapatay si Barayuga, isang miyembro ng Philippine Military Academy Matikas Class of 1983 at isang retiradong Police General.

 

Kapuwa naman nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sina Garma at Leonardo at upperclassmen ni Mendoza.

 

Kinontak naman ni Mendoza si Mariano na siyang naghanap ng hired killer at ang kanyang nakausap ay si “Loloy.”

 

Winika ni Mariano na ang mga impormasyon ni Barayuga ay ibinigay ni Toks, na trusted aid umano ni Toks gaya ng litrato at sasakyan na gagamitin ni Barayuga ng ­paslangin ito noong Hulyo 30, 2020. Nagbigay din umano ng P300,000 reward si Garma kaugnay ng pagpatay.

 

At dahil sa viber idinadaan ang usapan, inirekomenda ni Barbers sa DOJ na kunin ang mga cellphone nina Mendoza at Mariano upang magamit na ebidensya.

 

Kamakailan ay ipinag-utos na i-detain sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City si Leonardo matapos niyang itanggi na nagkaroon ng meeting bago ang pagpatay sa tatlong Chinese drug convicts sa Davao Prison and Penal Farm noong Agosto 2016.

 

Ang pagpupulong na ito ay nangyari umano sa Davao City Criminal Investigation and Detection Group office at dinaluhan ni dating Davao Prison and Penal Farm chief Gerardo Padilla at retired police colonel Royina Garma. (Daris Jose)

Other News
  • Handang-handa nang bumalik sa pag-arte: JAMES, posibleng makasama si LIZA sa teleserye o pelikula

    HANDANG-HANDA na raw si James Reid na bumalik sa pag-arte.     Sa katunayan, possible raw sila magsama ni Liza Soberano sa isang teleserye o pelikula.     Ayon kay James, ito raw ang plano after na mag-concentrate sa kanyang music career.     “I always say that I am planning to go back to […]

  • Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

    Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.   Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang […]

  • ROMANTIC THRILLER “BONES AND ALL” SERVES OFFICIAL TRAILER

    YOU can’t run from who you are. From acclaimed director Luca Guadagnino (“Call Me By Your Name”) and starring Taylor Russell, Timothée Chalamet, and Mark Rylance – watch the “Bones And All” trailer now and see the movie only in cinemas November 23.     YouTube: https://youtu.be/g1od7PPS5w4     Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/1079169459466761/     About “Bones and All”     […]